Ai-Ai delas Alas, nananawagan na ipahinto ang pelikulang ito

by Jojo Gabinete
Dec 22, 2019
"Masusunog kayo sa impyerno.." ang sabi ni Ai-Ai delas Alas tungkol sa pelikulang ito.
PHOTO/S: Left: Screengrab from video / Right: Netflix

Sa mga Filipino showbiz personality, tanging si Ai-Ai delas Alas na isang devout Roman Catholic at Marian devotee, ang nagkondena sa The First Temptation of Christ, ang religious Brazilian satire movie na mapapanood sa Netflix.

Hinihikayat ni Ai-Ai ang lahat na pumirma sa petition para ihinto ng Netflix ang pagpapalabas sa pelikula na lumalapastangan kina Jesus Christ, Blessed Virgin Mary, St. Joseph, at sa Diyos Ama.

“Patawarin mo po sila LORD [clasp hands emoji].. sign the petition to stop showing this sa NETFLIX ---[frowning emoticons] sino man ang gumawa nito masusunog kayo sa impyerno.. #sacrilege #blasphemy,” ang reaksyon ni Ai-Ai laban sa Netflix movie na inaalmahan niya.

Continue reading below ↓

Naiintindihan namin ang nararamdaman ni Ai-Ai at ng ibang mga tao na nananawagan na i-boycott ang The First Temptation of Christ na may running time lamang na 46-minutes dahil hindi rin namin natagalan ang panonood.

Gay si Jesus Christ, humihithit ng marijuana si Virgin Mary, at nagmumura ang mga karakter ang ilan sa mga nakababahala na eksena.

Ang comedy troupe na Porta dos Fundos ang producer ng The First Temptation of Christ pero hindi sila nagpaapekto sa mga banta na i-boycott at alisin sa Netflix ang kanilang kontrobersyal na pelikula.

Sinabi ng mga producer na homophobic lang ang mga nagpoprotesta laban sa pelikula, pero sa mga survey, nangibabaw ang desisyon ng publiko na huwag panoorin ang blasphemous Brazilian Christmas special na direktang pang-iinsulto at paglapastangan sa Panginoong Diyos, kay Jesus Christ, at sa mga karakter na itinuturing na banal.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Masusunog kayo sa impyerno.." ang sabi ni Ai-Ai delas Alas tungkol sa pelikulang ito.
PHOTO/S: Left: Screengrab from video / Right: Netflix
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results