Coco Martin at cast ng 3Pol Tribol, magkakaroon ng sariling motorcade sa Manila

by Jojo Gabinete
Dec 23, 2019
Pumarada si Paloma... este, Coco Martin kasama ang kanyang co-stars na sina Ai-Ai delas Alas at Jennylyn Mercado sa Parade of Stars ng 45th Metro Manila Film Festival kahapon, December 22.
PHOTO/S: Coco Martin PH Facebook

Ginulat ni Coco Martin ang lahat sa Parade of Stars ng 45th Metro Manila Film Festival na naganap sa Taguig City, kahapon, December 22.

Ito ay dahil ang kanyang Paloma character sa Ang Probinsyano at 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon ang nasilayan ng publiko.

Kahit in character si Coco sa Metro Manila Film Festival parade, ang Cardo—ang pangalan niya sa Ang Probinsyano—ang isinisigaw ng mga tao.

Ngayong umaga, December 23, muling magkakaroon ng motorcade sa City of Manila si Coco at ang cast ng 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon.

Makakasama ni Coco sa motorcade ang kanyang co-stars na sina Ai-Ai delas Alas, Jennylyn Mercado, at si Manila City Mayor Isko Moreno na may special participation sa kanilang pelikula.

Alas-otso ng umaga ang call time ng mga artista ng 3Pol Trobol at sa City Hall ng Maynila ang meeting place nila.

Magsisimula ng 9 A.M. mula sa City Hall ang motorcade na iikot sa Maynila.

Continue reading below ↓

Kaya magkakaroon ng pagkakataon ang mga Manileño na makita nang personal ang mga artista ng 3Pol Trobol.

This time, as himself na si Coco, hindi na si Paloma na popular character niya sa Ang Probinsyano at muling binuhay sa ilang eksena ng kanyang filmfest entry.

Ang magaganap na motorcade ngayong umaga ang pangalawang beses na nagkaroon si Coco ng sariling parada dahil ginawa na niya ito noong 2017 nang maging official entry ang Ang Panday sa 43rd edition ng Metro Manila Film Festival.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pumarada si Paloma... este, Coco Martin kasama ang kanyang co-stars na sina Ai-Ai delas Alas at Jennylyn Mercado sa Parade of Stars ng 45th Metro Manila Film Festival kahapon, December 22.
PHOTO/S: Coco Martin PH Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results