24th Asian Television Awards, gaganapin sa Pilipinas

by Jojo Gabinete
Dec 24, 2019
(Left) Mystified lead stars Karylle, Iza Calzado, Sunshine Dizon, and Diana Zubiri; (right) Martin del Rosario in Born Beautiful.

Sa kauna-unahang pagkakataon, ang Pilipinas ang host country ng 24th Asian Television Awards.

Magaganap ito sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila sa January 11, 2020.

Three- day event ang 24th Asian Television Awards na magsisimula sa January 10 at magtatapos sa January 12.

Isang malaking okasyon ang 24th Asian Television Awards dahil dadalo ang mga sikat na personalidad at TV executives sa buong Asia.

Ang TV5 at Cignal TV ang media partners ng 24th Asian Television Awards na dating idinaraos sa Singapore.

Imbitado bilang mga presenter sa awards night ng 24th Asian Television Awards ang lead cast ng Mystified—sina Sunshine Dizon, Iza Calzado, Karylle, at Diana Zubir.

Nominado ang Mystified sa mga kategoryang Best Digital Program Series, Best Single Drama, Best Theme Song para sa "Simula" na inawit ni Karylle, at Best Director kay Mark Reyes.

Nominated si Martin del Rosario sa best leading male performance category para sa role niya sa Born Beautiful, na nominado naman sa Best Digital Drama Series.

Continue reading below ↓

Best Actress in a Leading Role nominee si Julie Anne San Jose para sa Barangay 143 na nagbigay ng Best Director for Fiction nomination kay Jyotirmoy Saha.

Mga nominado rin sa 24th Asian Television Awards sina Cito Beltran at Cathy Yang (Best News Presenter or Anchor), Kris Lawrence at Krizza Neri (Best Theme Song for "Alanganin," Barangay 143), Gloc-9 featuring Maya (Best Theme Song for "Dito Sarangay," Barangay 143), at Top Suzara at Harlem Ty (Best Theme Song for "Liga ng Buhay," Barangay 143).

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Left) Mystified lead stars Karylle, Iza Calzado, Sunshine Dizon, and Diana Zubiri; (right) Martin del Rosario in Born Beautiful.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results