Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Hollywood actor Devon Sawa, gandang-ganda sa Pilipinas

by Jojo Gabinete
Dec 25, 2019
Devon Sawa on the Philippines: "The Philippines is stunning. Absolutely breathtaking. I’m only three days in, but WOW. What a place."
PHOTO/S: Devon Sawa Instagram

Naririto sa bansa ang Canadian actor at former Hollywood heartthrob na si Devon Sawa at ang kanyang pamilya.

Nagbabakasyon sila sa isang popular beach resort sa Palawan, at malaking tulong sa Philippine tourism industry ang mga positive tweet niya tungkol sa ating bansa.

Breath of fresh air ang mga komento ni Devon tungkol sa Pilipinas, na nakasanayan nang siraan ng ilang mga Pilipino na tila wala nang nakikitang maganda sa sariling bayan.

"The Philippines is stunning. Absolutely breathtaking. I’m only three days in, but WOW. What a place,” papuri ni Devon sa Pilipinas.

Continue reading below ↓

"I love all the intersections here in the Philippines. Easy to cross the street over here. You just cross the street. No underground maze to deal with. I mean you may run into the odd cranky rooster but other than that, corner to corner, nothing else to it," dagdag na pahayag ni Devon na nakakataba ng puso.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Continue reading below ↓

Bago nagbakasyon sa Palawan, nagsadya muna si Devon sa Cebu City at dito niya natikman ang mga pagkain ng isang popular Filipino foodchain.

"Jollibee is wild, man. You can get a burger steak, spaghetti, fried chicken, rice and gravy in one meal. Place is jammed, too,” ani Devon.

Naabutan ni Devon sa Pilipinas ng Typhoon Ursula at nakatanggap din ng emergency text alert mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC ) kaya nagtanong kung may dapat siyang ikabahala, pero wala ang sagot ng resilient Filipinos na sanay nang makaranas ng iba’t ibang klase ng kalamidad.

Continue reading below ↓

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Devon Sawa on the Philippines: "The Philippines is stunning. Absolutely breathtaking. I’m only three days in, but WOW. What a place."
PHOTO/S: Devon Sawa Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results