Aga Muhlach, "truly humbled" sa magandang box-office result ng Miracle In Cell No. 7

by Jojo Gabinete
Dec 26, 2019
Naglibot ang cast ng Miracle In Cell No. 7 sa mga sinehan ngayong araw, December 26, upang personal na pasalamatan ang mga nanood ng kanilang pelikula.
PHOTO/S: Viva Films Instagram

Tinupad ni Aga Muhlach ang kanyang pangako na mag-iikot siya ngayong Huwebes, December 26, sa mga sinehan na pinagtatanghalan ng Miracle in Cell No. 7 para personal na pasalamatan ang lahat ng mga tumangkilik sa certified blockbuster movie niya.

Kasama ni Aga sa theater tour ang kanyang co-stars na sina Bela Padilla, Xia Vigor, Mon Confiado, ang direktor na si Nuel Naval, at ang award-winning writer na si Mel del Rosario na sumulat ng screenplay ng Miracle in Cell No. 7.

Mainit ang naging pagtanggap ng publiko kay Aga.

"Truly humbled" ang aktor sa napakagandang resulta sa box office ng kanilang pelikula.

Maligayang-maligaya rin sina Bela at Xia dahil sa malalakas na palakpak at mga papuring natanggap nila mula sa moviegoers na nakatanggap ng tissue nang lumabas sa sinehan bilang pamahid sa kanilang mga luha.

Continue reading below ↓

Isa ang former sexy actress at Dolphy’s Angel member na si Liz Alindogan sa iyak nang iyak matapos mapanood ang Miracle in Cell No. 7, pero sa gitna ng kanyang pagluha, nagawa pa niyang i-video ang sarili.

Sinabi ng mga nanood ng Aga starrer na malakas ang Last Song Syndrome ng "Tag-Araw," ang official soundtrack na inawit ni Janine Teñoso.

Sa mga hindi nakakaalam, lumang kanta ang "Tag-Araw" dahil 1996 composition ito ni Wency Cornejo na kinanta nila ng kanyang mga dating kasamahan sa AfterImage band.

Binigyan ang "Tag-Araw" ng bagong areglo at bumagay ito sa kuwento at mga eksena ng Philippine adaptation ng blockbuster South Korean movie noong 2013.

Hindi lamang si Janine ang may version ng "Tag-Araw" dahil nag-recording at gumawa ng music video sina Xia at Bela na gumanap bilang young and mature Yesha, respectively, ang anak ng karakter ni Aga sa Miracle in Cell No. 7.

Continue reading below ↓

Brilliant idea na pagsamahin sina Xia at Bela sa isang music video dahil nabigyan nila ng justice ang OST ng kanilang pelikula.

Marami ang nagulat kay Bela dahil hindi nila akalaing may ibubuga siya sa pagkanta.

Gustung-gusto ng netizens ang magkasabay na pagsasayaw nina Bela at Xia ng signature dance moves ng mga karakter nina Aga at Xia sa pinag-uusapan at hinuhulaang magiging number one sa 45th Metro Manila Film Festival dahil sa positive reviews at word of mouth na worth seeing ang pelikula.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naglibot ang cast ng Miracle In Cell No. 7 sa mga sinehan ngayong araw, December 26, upang personal na pasalamatan ang mga nanood ng kanilang pelikula.
PHOTO/S: Viva Films Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results