Aga Muhlach, tanggap ang pagkatalo bilang best actor sa MMFF 2019 Gabi ng Parangal

by Jojo Gabinete
Dec 28, 2019
Walang bahid ng kalungkutan sa mukha ni Aga Muhlach nang hindi siya manalong best actor, para sa kanyang pagganap sa Miracle In Cell No. 7, sa Gabi ng Parangal ng 45th Metro Manila Film Festival.
PHOTO/S: Allan Sancon

Walang bahid ng kalungkutan sa mukha ni Aga Muhlach nang hindi siya manalong best actor sa Gabi ng Parangal ng 45th Metro Manila Film Festival na ginanap kagabi, December 27, sa New Frontier Theater, Araneta City, Cubao, Quezon City.

"Okey lang," nakangiting sagot ni Aga sa lahat ng mga lumapit sa kanya at nagsabing siya ang karapat-dapat na winner dahil sa kanyang mahusay na pagganap sa blockbuster movie na Miracle in Cell No. 7.

Kung hindi apektado si Aga, lalong hindi apektado ang kanyang misis na si Charlene Gonzalez at ang kanilang kambal na anak na sina Atasha at Andres na kasama niyang dumalo sa awards night ng Metro Manila Film Festival 2019.

In fact, mas apektado pa nga ang publiko na ikinalungkot ang resulta at ginamit ang social media para ipahayag ang kanilang mga saloobin dahil hindi sila makapaniwala at hindi nila matanggap na hindi nanalo si Aga.

Hindi man sa kanya ipinagkaloob ng MMFF jurors ang best actor trophy, panalong-panalo pa rin si Aga dahil patuloy na pinipilahan sa takilya at jampacked ang mga sinehang pinagtatanghalan ng Miracle in Cell No. 7.

Continue reading below ↓

Postscript: Pagkatapos ng Gabi ng Parangal ng 45th Metro Manila Film Festival, hindi kaagad umuwi ng bahay ang Muhlach family dahil nagpunta pa sila sa Novotel para sa late dinner treat ng Viva Films producers.

Dito nakita ng Cabinet Files na hindi talaga apektado si Aga, na wala nang dapat patunayan pa bilang kumpleto na ang kanyang best actor trophies mula sa lahat ng prestigious award-giving body sa Pilipinas.

Masayang nakipagkuwentuhan si Aga, na natawa sa biro na ang Star of the Night na napanalunan niya kagabi ang highest honor sa Gabi ng Parangal ng 45th Metro Manila Film Festival.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Walang bahid ng kalungkutan sa mukha ni Aga Muhlach nang hindi siya manalong best actor, para sa kanyang pagganap sa Miracle In Cell No. 7, sa Gabi ng Parangal ng 45th Metro Manila Film Festival.
PHOTO/S: Allan Sancon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results