Nora Aunor, Vilma Santos, Maricel Soriano, Amy Austria iniluklok sa MMFF Hall of Fame

by Jojo Gabinete
Dec 28, 2019
MMFF Hall of Famers: (L-R) Nora Aunor, Vilma Santos, Maricel Soriano, and Amy Austria
PHOTO/S: Allan Sancon

Wala sina Nora Aunor at Lipa City House Representative Vilma Santos-Recto sa Gabi ng Parangal ng 45th Metro Manila Film Festival na naganap kagabi, December 27, sa New Frontier Theater.

Pero ramdam na ramdam ang presence nila dahil sa malakas na hiyawan at palakpakan ng kanilang mga tagahanga sa tuwing nababanggit ang pangalan ng dalawang Filipino movie icons.

Kapwa iniluklok sina Nora at Vilma sa Hall of Fame ng Metro Manila Film Festival dahil sa mga best actress trophy na napanalunan nila na higit sa tatlong beses.

Co-awardees nina Nora at Vilma sina Amy Austria at Maricel Soriano.

Hindi nakarating si Maricel kaya ang kanyang pamangkin na si Meryll Soriano ang tumanggap ng trophy at nagbasa ng acceptance speech niya.

"Ito ang mga pagkakataong ipinagpapasalamat ko sa Diyos at nabigyan ako ng maraming pagkakataon na maging katabi ng pamilyang Pilipino sa kanilang pagba-bonding tuwing Pasko.

"Sa lahat po ng naniniwala noon at patuloy na naniniwala sa akin ngayon, hindi ko kayo malilimutan hanggang sa pumuti ang buhok ko, karangalan ko na mapasaya kayong lahat,” bahagi ng written speech ni Maricel na binasa ni Meryll.

Continue reading below ↓

Nahinto naman ang pasasalamat ni Amy dahil hinintay muna nitong matapos ang malakas na chant sa pangalan nina Nora at Vilma ng mga tagahanga ng mga nabanggit na aktres.

"Maraming-maraming salamat po sa lahat ng mga producer sa nagtitiwala sa akin at nagtitiwala sa susunod.

"Sa directors ko po sa mga trabaho na nagawa ko at siyempre, sa bumubuo po ng Metro Manila Film Festival, mabuhay po kayo,” ang short but sweet na pasasalamat ni Amy, na pinupuri ng New Frontier audience dahil habang nagkakaedad, lalo siyang gumaganda.

Pinarangalan bilang Stalwarts ng MMFF sina former President Joseph Estrada, Marichu Vera Perez Maceda, Ben Lumbiera, at Boots Anson Rodrigo.

Hindi nakadalo sina Estrada at Maceda sa Gabi ng Parangal ng MMFF 2019.

Si former Senator Jinggoy Estrada ang tumanggap ng parangal para sa kanyang ama samantalang si Boots ang nagbasa ng text message ng pasasalamat ni Maceda.

Kasama sa mga iniluklok sa Hall of Fame ng MMFF sina Cesar Montano, Christopher de Leon, Cherie Gil, Eugene Domingo, Joel Lamangan, Joey Javier Reyes, at ang mga pumanaw na personalidad na sina Anthony Alonzo at Marilou Diaz-Abaya.

Continue reading below ↓

Iginawad din ang Hall of Fame award sa mga personalidad na maraming beses na nanalo sa technical categories ng MMF.

Dahil hindi sila personal na kilala ng mga nag-abot ng trophies, nagkapalit-palit ang mga tropeyong natanggap ng mga pinarangalan.

Sina Marco Gumabao at Bela Padilla ang mga host ng Gabi ng Parangal ng MMFF.

Lubos ang pasasalamat ng dalawa sa tiwalang ibinigay sa kanila, lalo na si Marco na naranasan na maging host sa unang pagkakataon ng isang award-giving body.

Hindi nominado si Bela para sa kanyang maiksi pero markadong role sa Miracle in Cell No. 7, pero binibiro siyang winner in Best in Costume Change dahil sa tatlong beses na pagpapalit niya ng gown sa hosting stint nila ni Marco.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
MMFF Hall of Famers: (L-R) Nora Aunor, Vilma Santos, Maricel Soriano, and Amy Austria
PHOTO/S: Allan Sancon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results