Mindanao at Write About Love, hindi na palabas sa karamihan ng malalaking mall cinemas

by Jojo Gabinete
Dec 29, 2019
Nakiusap ang MMFF 2019 winners na sina Allen Dizon, Judy Ann Santos, at Joem Bascon na madagdagan ang mga sinehan na magpapalabas ng kani-kanilang mga pelikula.
PHOTO/S: Allan Sancon

Ang madagdagan ang bilang ng mga sinehang pinagtatanghalan ng kanilang mga pelikula ang bahagi ng acceptance speech nina Judy Ann Santos, Allen Dizon, at Joem Bascon nang manalo sila sa Gabi ng Parangal ng 45th Metro Manila Film Festival (MMFF), na naganap sa New Frontier Theater noong Biyernes, December 27.

Sina Judy Ann at Allen ay nanalong best actress at best actor, respectively, para sa kanilang pagganap sa Mindanao.

Si Joem naman ay nanalong best supporting actor para sa Write About Love.

Sadly, hindi natupad ang mga hiling ng tatlong aktor dahil limitado pa rin ang bilang ng mga sinehan na pinagtatanghalan ng Mindanao at Write About Love, na humakot ng mga tropeyo sa awards night.

Sa katunayan, hindi na palabas sa ibang mga sinehan sa malalaking malls ang kanilang mga pelikula.

Ito ay base sa mga website ng SM Cinema, Robinson’s Movieworld, Gateway Cineplex, Greenhills Cinemas, Powerplant Mall Cinemas, at Ayala Malls na tiningnan ng Cabinet Files ngayong araw, December 29.

Continue reading below ↓

Tinawagan din namin ang mga opisina ng mga nabanggit na mall cinema para i-verify ang accuracy ng schedule na nakalagay sa kanilang mga website.

Nadagdagan ang mga sinehan ng Miracle in Cell No. 7, na patuloy na pinipilahan sa box office.

Nabawasan naman ng sinehan ang dalawa sa Top 4 entries ng MMFF 2019.

Palabas lamang ang Miracle in Cell No. 7 sa Cinema 1 ng Gateway Cineplex noong December 27, pero kinabukasan, December 28, nadagdagan ito ng sinehan.

Isa itong milagro dahil kung alin pa ang pelikula na hindi nagkaroon ng awards sa Gabi ng Parangal, ito ang patuloy na tinatangkilik at idineklara ng moviegoers bilang People’s Choice.

Nang mag-umpisa ang MMFF 2019 noong December 25, napanood sa Cinema 2 ng Trinoma ang pelikula ni Aga.

Pero simula kahapon, December 28, dalawang sinehan na ang pinagtatanghalan ng Miracle in Cell No. 7, na inilipat sa mas malaking movie theater, ang Cinema 7, na may 622-seating capacity.

Continue reading below ↓

Sad reality na humakot ng parangal ang Write About Love, pero mapapanood lamang ito sa isang sinehan ng Ayala Malls at sa malayong lugar pa ng Manila Bay branch.

Nabasa namin ang reklamo ng netizens na hindi palabas ang Mindanao at Write About Love sa mga sinehan ng mga mall na kanilang pinuntahan kaya disappointed sila.

Para makatipid sila sa oras at hindi madismaya, pinapayuhan namin ang manonood na bisitahin muna nila ang websites ng mga sinehan dahil nakalagay rito ang kumpletong schedule at lugar na pinagtatanghalan ng mga pelikula na kanilang nais panoorin.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nakiusap ang MMFF 2019 winners na sina Allen Dizon, Judy Ann Santos, at Joem Bascon na madagdagan ang mga sinehan na magpapalabas ng kani-kanilang mga pelikula.
PHOTO/S: Allan Sancon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results