Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Veteran actress Gloria Romero, magbabalik na sa Daig Kayo ng Lola Ko

by Jojo Gabinete
Dec 30, 2019
Magsisimula nang mag-taping muli sa Daig Kayo ng Lola Ko ang veteran actress na si Gloria Romero, na apat na buwang namahinga sa pagtatrabaho dahil sa vertigo.
PHOTO/S: Courtesy of GMA Network

Balik-telebisyon ang veteran at multi-awarded actress na si Gloria Romero makalipas ang apat na buwang pamamahinga.

Ngayong December 30, Lunes, ang unang araw ng taping ni Gloria para sa Daig Kayo ng Lola Ko, ang Sunday drama-fantasy anthology show niya sa GMA 7.

Apat na buwang hindi napanood sa Daig Kayo ng Lola Ko ang 86-year-old actress, na sinumpong ng vertigo kaya pinayuhan siya ng kanyang doktor na magpahinga.

Si Nova Villa ang pansamantalang pumalit kay Gloria sa role nito bilang lola sa top-rating program ng GMA 7.

Para maging komportable si Gloria, napagdesisyunan ng production staff ng Daig Kayo ng Lola Ko na kunan ang lahat ng mga eksena niya sa kanyang tahanan sa New Manila, Quezon City.

Tiyak na ikatutuwa ng mga tagahanga ni Gloria at ng loyal viewers ng Daig Kayo ng Lola Ko ang balitang magaling na siya at handa nang magtrabaho.

Ikagagalak din ng mga sumusubaybay sa Daig Kayo ng Lola Ko na extended ito hanggang sa first quarter ng 2020.

Continue reading below ↓

A few months back, napabalitang magwawakas na ang Daig Kayo ng Lola Ko ngayong Disyembre dahil papalitan ito ng Agimat ng Agila, ang comeback project ni Senator Bong Revilla Jr. sa home studio nito na posibleng magsimula sa February 2020.

Continue reading below ↓
Recommended Videos
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Magsisimula nang mag-taping muli sa Daig Kayo ng Lola Ko ang veteran actress na si Gloria Romero, na apat na buwang namahinga sa pagtatrabaho dahil sa vertigo.
PHOTO/S: Courtesy of GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results