Chariz Solomon, nakipagtalakan sa babaeng nanigaw at nanakit sa kanyang anak sa loob ng mall

by Jojo Gabinete
Dec 31, 2019
Chariz Solomon, aminadong halos magdilim ang paningin sa galit sa babaeng humampas sa kanyang anak sa isang kiddie play place sa isang mall.
PHOTO/S: @chariz_solomon Instagram

Simpatiya at suporta ang natanggap ni Chariz Solomon mula sa mga kaibigan at kapwa artista nang ibahagi ng Kapuso comedienne sa Facebook account nito ang pakikipag-away niya sa isang babaeng nanakit sa kanyang anak.

Nangyari ngayon December 31, Martes, ang insidente sa isang indoor playground at edutainment center sa Shangri-La Plaza, Mandaluyong City.

Detalyadong ikinuwento ni Chariz ang pakikipag-away at pakikipagtalakan niya sa isang matandang babae na nanakit at sinigaw-sigawan ang kanyang apat na taong anak na lalaki.

"Soooo may humabol pa akong away bago matapos ang 2019 ko," bungad na kuwento ni Chariz.

"1st time ko napaaway dahil sa mga anak ko.

"Nagre-register ako sa Kidzoona Shangri-La and my boys were behind me playing with each other, when I hear[d] an old lady sharply shouting in Chinese.

"I turn[ed] around and sakto, I saw her hit my son’s leg. At sinisigawan n’ya ng bonggang- bongga ang mga anak ko dahil tinapakan daw ang daliri ng apo n’ya na I think less than 2-years-old na pinabayaan n’yang maglaro sa sahig.

Continue reading below ↓

"S’yempre nag-histerical ako. Sumisigaw-sigaw s’ya in Chinese at WALA AKONG PAKIALAM, nagsama pa sila ng nanay nu’ng bata. GOOOOOO.

"I told them they don’t have the right to hit my son, and shout at them because it was an accident.

"Ayaw pa tumigil. Sabi ko, o di sige tatawag ako ng pulis. Padampot ko sila, sinaktan nila anak ko. Paulit- ulit lang ‘yung sinabi ko.

"Naramdaman ko nagdidilim na ‘yung paningin ko. Hindi na makatingin sa’kin si lola at ‘yung nanay."

Nanindigan si Chariz na hindi sinasadya ng kanyang mga anak kung natapakan man daw ng mga ito ang daliri ng apo ng hindi pinangalanang Chinese na babae.

"Una sa lahat: AKSIDENTE YUN. Bata sila. HINDI SINADYA.

"Pangalawa: Kahit matanda ka, hindi ako nagsisisi na nakatikim ka sa’kin ng bonggang -bonggang talak dahil wala kang karapatang sigaw-sigawan at paluin ang anak ko.

"Kung salbahe ang anak ko, ako pa magpaparusa sa kanya sa harap mo. PROMISE YAN.

Continue reading below ↓

"Pangatlo: Hindi mo dapat pinababayaan ‘yung apo mo na less than 2-years-old na gumagapang sa receiving area ng Kidzoona.

"Sa loob ang palaruan, Hindi sa labas. So kasalanan mo na natapakan ‘yung daliri n’ya and I feel sorry for the baby girl dahil pabaya ‘yung nagbabantay.

"Pang-apat: HUWAG AKO HUY! HUWAAAAAAGGGG DIYOS KO NAGBAGO NA AKO, AT BUTI NA LANG, SALAMAT PANGINOON!

"At dahil nakita ko na papasok pa lang ‘tong pamilya na ‘to, lumipat na lang kami ng playground kasi baka maging action series pa itong story namin.

"WOOOOOOOOOHHHHHH!!!!"

Umani si Chariz ng suporta mula sa mga kaibigan niyang pinayuhan siyang magsampa ng pormal na reklamo laban sa nanakit sa kanyang menor de edad na anak.

Sa brief conversation namin kay Chariz ngayong hapon, sinabihan din namin siyang kausaping mabuti ang kanyang anak at siguraduhing hindi ito na-trauma sa mga nasaksihang eksena ng sigawan at pananakit na ginawa ng isang taong hindi niya kilala.

Continue reading below ↓

Pahayag ni Chariz sa Cabinet Files:

"Umiyak siya, Kuya. Takot siya kasi, bukod sa grabe makasigaw yung lola, iba pa ang language pero kinausap ko naman sila.

"Sabi ko sa kanila, sorry kasi sumigaw din si Mama.

"Sinabi ko sa kanila na mali yung ginawa sa inyo nung grandma kasi accident naman yung nangyari.

"Grabe, Kuya, buti talaga nakapagpigil pa ako. Buti nanay na ako."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Chariz Solomon, aminadong halos magdilim ang paningin sa galit sa babaeng humampas sa kanyang anak sa isang kiddie play place sa isang mall.
PHOTO/S: @chariz_solomon Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results