Miracle In Cell No. 7 cast and crew, nagsama-sama muli para sa thanksgiving party

by Jojo Gabinete
Jan 2, 2020
Nagsama-sama muli ang cast, crew, at executives ng Miracle In Cell no. 7 para sa isang thanksgiving party dahil sa tagumpay ng pelikula sa box office.
PHOTO/S: Viva Films

Kasalukuyang ginaganap sa isang restaurant and brewery sa Pasig City ang thanksgiving gathering ng mga artista, production staff, at producers ng Philippine adaptation ng Miracle In Cell No. 7, ang pinag-uusapang official entry sa 45th Metro Manila Film Festival (MMFF).

Dumalo sa thanksgiving gathering ang lead stars ng pelikula na sina Aga Muhlach at Xia Vigor; ang kanilang mga co-star na sina Joel Torre, JC Santos, Soliman Cruz, Jojit Lorenzo, John Arcilla; ang direktor na si Nuel Naval; ang scriptwriter na si Mel del Rosario; at ang Viva Films executives na sina June Rufino, Vincent del Rosario, at Boss Vic del Rosari Jr.

Wala si Bela Padilla dahil nagbabakasyon siya sa Japan, kaya hindi kumpleto sa thanksgiving gathering ang powerhouse cast ng pelikulang mainit na tinanggap ng Filipino moviegoers.

Mahirap makumpleto ang cast ng Miracle in Cell No. 7 dahil may kanya-kanya silang pinagkakaabalahang taping ng kanilang mga TV show.

Continue reading below ↓

Hindi nakadalo sina Joel, Bela, JC, at John sa grand presscon ng kanilang pelikula noong December 6, 2019 dahil sa kanilang mga commitment.

Ipinararating ng cast ng pelikula sa publiko ang kanilang taos-pusong pasasalamat dahil sa suportang ipinakita ng mga Pilipino sa Miracle in Cell No. 7.

Ipinaalaala naman ni Aga na matatapos sa January 7, 2020 ang MMFF 2019 kaya may panahon pa ang mga hindi nakakapanood na panoorin ang kanilang pelikula.

Most likely, magkakaroon ng extension ang pagtatanghal ng Miracle in Cell No.7 sa mga sinehan dahil patuloy itong pinipilahan sa box office.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagsama-sama muli ang cast, crew, at executives ng Miracle In Cell no. 7 para sa isang thanksgiving party dahil sa tagumpay ng pelikula sa box office.
PHOTO/S: Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results