Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Will Ashley, nilinaw na wala silang relasyon ni Jillian Ward

by Jojo Gabinete
Jan 5, 2020
Kapuso teen star Will Ashley (left) clarifies that he and his Prima Donnas co-star Jillian Ward (right) are just good friends.

Diretsahan at walang kakurap-kurap ang mga mata ng 17-year-old actor na si Will Ashley nang pabulaanan niya ang balitang may relasyon sila ng kanyang Prima Donnas co-star—ang former child actress na si Jillian Ward.

“Hindi po. Talaga po na magkakabata lang kami ni Jillian.

"Mabuti po kaming magkaibigan kasi noong third show ko po sa GMA-7, magkasama na kami.

“Parang bata pa lang po kami. May bonding na po kami pero wala po kaming relasyon ni Jillian,” paglinaw ni Will na pinabulaanan din ang isyu na nagkakaproblema ang loveteam nila ni Sofia Pablo dahil nauugnay sila ni Jillian sa isa’t isa.

“Okey po sila sa set, nagkukulitan din po kami sa set, kami-kami po.

“Hindi naman po nagkakaproblema.Wala po,” ang mariing pagtanggi ni Will na nagpahayag ng pagkagulat dahil hindi raw niya alam na may kumakalat na balita na may relasyon sila ni Jillian.

“Magkaibigan lang po kami. Natatawa lang po ako. Hindi po totoo ang balita.

Continue reading below ↓

"Talagang mabuti lang po kami na magkaibigan ni Jillian kasi simula bata pa lang po kami, magkasama na kami,” ulit niyang pahayag.

Nakausap ng Cabinet Files si Will pagkatapos ng pilot telecast ng All-Out Sundays nitong Linggo ng hapon, January 5, at habang iniinterbyu siya, katabi niya si Vince Crisostomo, ang kanyang co-star sa Prima Donnas.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Si Vince ang kapareha ni Jillian sa afternoon drama series ng GMA-7 at gaya ni Will, itinanggi rin niya ang balita na karelasyon si Jillian ng kanyang Prima Donnas co-actor.

Postscript: Payag daw si Will sa posibilidad na maging ka-loveteam niya si Jillian.

Aniya, “Hindi po natin masasabi pero hindi po tayo tatanggi sa mga ganyang opportunities. Why not po, di ba?”

Tungkol naman sa possibility na maging girlfriend niya si Jillian, sagot niya, “Hindi rin po natin masasabi pero si God na po ang bahala.”

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso teen star Will Ashley (left) clarifies that he and his Prima Donnas co-star Jillian Ward (right) are just good friends.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results