Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Miggy Tanchanco, tanggap ang panibagong hamon bilang direktor ng All-Out Sundays

by Jojo Gabinete
Jan 5, 2020
All-Out Sundays director Miggy Tanchanco hopes that the show will attract a steady stream of loyal followers.
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Ang 25th anniversary kickoff ng ASAP at ang Tala Nation dance craze ang itinapat ng ABS-CBN sa pilot telecast nitong Linggo ng All-Out Sundays ng GMA-7.

Kung matalas ang paningin ng mga nanood ng comedy skit segment ng All-Out Sundays, tiyak na napansin nila na ang dance steps ng "Tala" ang isinayaw ni Kakai Bautista sa isang eksena, at napuna rin ito ng direktor na si Miggy Tanchanco na alam na ang Tala Nation dance craze ang katapat ng kanilang programa.

“Maraming mahihilig doon ["Tala" dance craze] at siyempre, may mahihilig din sa halu-halo which is the variety.

"So we’ll see the viewers, we’ll see the ratings din kung ano ang mangyayari,” ang reaksyon ni Miggy.

Sa mga hindi nakakakilala kay Miggy, anak siya ng popular veteran dance choreographer na si Geleen Eugenio at may karapatan siya na mamahala ng mga television show.

Former member si Miggy ng Universal Motion Dancers bago siya nagdesisyon na maging dance choreographer at blocking director sa stage ng mga musical variety program ng GMA-7.

Continue reading below ↓

Eventually, pinalawak niya ang kanyang kaalaman tungkol sa film and television directing sa pamamagitan ng pag-aaral sa isang film school.

“I went to Asia Pacific Film Institute while I was working. For four years, I was doing a lot of film work.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"I was doing music videos, I was doing short films, I was doing AVPs, I was doing commercials and then, nag-pass ako ng CV [curriculum vitae] dito sa network [GMA-7] uli and I applied.

“I got a call after a year and it’s a gift because I was not expecting this. It’s something like it’s a make or break.

“Napagbigyan po nila ako for Studio 7 and hindi ako makapaniwala na one year siya umabot kasi that time,” kuwento ni Miggy tungkol sa kanyang inspiring journey bilang direktor ng mga show ng Kapuso network.

“To balance“ ang sagot ni Miggy nang itanong ng Cabinet Files ang hamon ng pagiging direktor niya ng All-Out Sundays.

Continue reading below ↓

“Number one is to balance, kasi we want to get a group of viewers. Pilot pa lang, dapat next week, meron na kaming followers.”

Mataas ang ratings ng Sunday PinaSaya, ang programang pinalitan ng All-Out Sundays. Masasabing isa rin itong malaking hamon para mapantayan o sana'y mahigtan ni Miggy at ng production team ng bagong show.

“That’s another huge challenge for the team; for everybody, actually,” ang nagpakatotoong pag-amin ni Miggy.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
All-Out Sundays director Miggy Tanchanco hopes that the show will attract a steady stream of loyal followers.
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results