Jeric Gonzales at karelasyon, nag-break dahil kay Sheryl Cruz

by Jojo Gabinete
Jan 6, 2020
Text message ni Sheryl Cruz kay Jeric Gonzales, nabasa diumano ng karelasyon ng aktor habang nagbabaksyon sila sa Japan.

A case of life imitating art.

Hiwalay na si Jeric Gonzales at ang kanyang karelasyon dahil kay Sheryl Cruz.

Nangyari ang one-for-the-books split up ni Jeric at ng karelasyon niya sa Japan vacation nila noong December 26, 2019.

One for the books dahil kinukunan si Jeric ng litrato ng kanyang karelasyon, gamit ang cellphone niya, nang biglang pumasok ang alleged sweet but self-incriminating text message ni Sheryl.

May “baby” word ang mensahe na diumano’y ipinadala ng aktres kay Jeric na naging mitsa para maghiwalay ang Magkaagaw leading man at ang karelasyon niya.

Sa Magkaagaw, si Jeric ang lover ni Sheryl sa kanilang May-December affair.

Sa tunay na buhay, tila nagkatotoo ang kuwento ng kanilang afternoon drama series dahil sa alegasyong may lihim na relasyon ang 27-year-old actor at ang 45-year-old actress.

Kahapon, January 5, namataan ng Cabinet Files ang pagdating ni Sheryl sa studio ng All-Out Sundays ng GMA-7.

Nang makita ni Jeric si Sheryl, lumapit at humalik siya sa pisngi ng aktres bilang pagbati.

Continue reading below ↓

Obviously, walang kamalay-malay si Sheryl na siya ang inaakusahang third party sa paghihiwalay ni Jeric at ng karelasyon nito na walang kinalaman sa showbiz.

Continue reading below ↓
Recommended Videos
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Text message ni Sheryl Cruz kay Jeric Gonzales, nabasa diumano ng karelasyon ng aktor habang nagbabaksyon sila sa Japan.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results