Comedian, pinatunayan ang pagiging professional sa kabila ng health scare

by Jojo Gabinete
Jan 6, 2020
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

Maituturing na epitome of professionalism ang comedian na nag-report at nag-perform sa isang live TV show sa kabila ng pagkakaroon niya ng health scare noong Sabado ng gabi, January 4.

Nagre-rehearse ang comedian para sa segment nito sa TV program nang biglang mabulol ang kanyang pagsasalita habang binabasa ang mga nakasulat sa teleprompter.

Ang akala ng comedian, nagkamali lamang siya, pero napansin ng mga tao sa paligid niya ang pagbabago ng kanyang hitsura.

Nilapitan agad ang comedian ng medical personnel na naka-standby sa studio at sinuri ang kanyang blood pressure.

Ang pauwiin na lamang ang comedian para makapagpahinga ito ang naging desisyon ng medical personnel at ng production staff.

Kinabukasan, January 5, parang walang health scare na nangyari sa comedian dahil maaga siyang dumating sa set at buong husay na ginampanan ang production number na ipinagawa sa kanya.

Kung sa ibang artista nangyari ang naranasan ng comedian, tiyak na magpapahinga na lamang siya dahil may valid reason.

Continue reading below ↓

Pero sinipot pa rin niya ang tinanggap na commitment na isang matibay na patunay ng kanyang professionalism.

Hindi lamang propesyonal ang comedian dahil mabait at marunong itong makisama kaya mahal na mahal siya ng mga taong nakakatrabaho niya.

Ang ingatan ang kalusugan, huwag magpuyat, at huwag pagurin ang sarili ang madalas na payo ng mga taong nagmamalasakit sa comedian dahil nakikita nila ang matinding dedication niya sa propesyon, kahit hindi mabuti ang kanyang pakiramdam.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results