Wowowin, mapapanood na rin tuwing Sabado simula February 2020

by Jojo Gabinete
Jan 7, 2020
Kinumpirma ni Willie Revillame na simula sa February 2020 ay anim na araw nang mapapanood, mula Lunes hanggang Sabado, ang Wowowin.

Ang teaser ng GMA-7 tungkol sa Wowowin Prime ang pumukaw sa curiosity at interes ng loyal viewers ng toprating game show ni Willie Revillame sa Kapuso Network.

Ngayong gabi, January 7, kinumpirma ni Willie na simula sa February 2020, anim na araw nang mapapanood, mula Lunes hanggang Sabado, ang Wowowin.

June 2019 nang lumutang ang balita tungkol sa posibilidad na magkakaroon ng Saturday edition ang Wowowin dahil ito ang hiling sa GMA Network, Inc. management ng viewers ng programa ni Willie.

Pinakinggan at pagbibigyan ng Kapuso Network management ang strong public clamor dahil hanggang Sabado na ang airing ng game show ni Willie, na tatawaging Wowowin Primetime.

Ipagdiriwang ni Willie sa January 27 ang kanyang kaarawan, at ang Wowowin Primetime ang isa sa mga early birthday offering niya sa mga Pilipino sa buong mundo na walang sawang sumusuporta sa kanyang programa na patuloy na nagbibigay ng pag-asa sa marami.

Sa May 2020, limang taon nang napapanood sa GMA-7 ang Wowowin at ang pagkakaroon ng Saturday edition ang patunay ng magandang relasyon ni Willie at ng kanyang home network.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kinumpirma ni Willie Revillame na simula sa February 2020 ay anim na araw nang mapapanood, mula Lunes hanggang Sabado, ang Wowowin.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results