Aktor, balik sa simpleng pamumuhay pagkatapos makipaghiwalay sa rich benefactor

by Jojo Gabinete
Jan 7, 2020
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

"Back to basics" ngayong 2020 ang aktor na pansamantalang nakatikim ng karangyaan noong nakaraang taon.

Babalikan na ng aktor ang simpleng pamumuhay dahil naghiwalay na sila ng kanyang uber-rich benefactor.

Bukod sa ibinigay ang lahat ng luho sa katawan at materyal na bagay, naging mabuti ang rich benefactor sa aktor na minahal niya nang husto.

But really, some good things never last.

Nagkaroon ng falling-out ang dalawa at, sa isang iglap, nagising sa katotohanan ang rich benefactor dahil sa masakit na salitang binitiwan ng aktor—na wala itong utang na loob na dapat tanawin mula sa kanya.

Hindi naging maganda ang paghihiwalay nila dahil nagkaroon ng mga sumbatan kaya nangyari ang bawian at solian ng mga gamit.

Nawala sa pag-iingat ng aktor ang mga sasakyan at motorsiklo na ibinigay sa kanya ng rich benefactor.

Natuldukan na rin ang mga biyahe nila sa iba’t ibang bansa.

Pretty soon, kailangan nang iwanan ng aktor at ng kanyang pamilya ang bahay na tinitirhan nila na pag-aari rin ng dating karelasyon niya.

Continue reading below ↓

Babalik na ang aktor at ang pamilya nito sa dating tahanan nila na naipundar niya noong nagsisimula pa lamang siya sa showbiz, dahil hindi na uubra ang marangyang pamumuhay na ipinatikim sa kanya ng dating karelasyon.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results