Kisses Delavin, hindi pa umaalis sa ABS-CBN

by Jojo Gabinete
Jan 8, 2020
Kisses Delavin on ABS-CBN: "Makakaasa po yung ABS-CBN na wala pong magbabago sa pagtingin ko sa kanila. Mahal ko pa din po sila."
PHOTO/S: Noel Orsal

Nilinaw ni Kisses Delavin sa grand presscon ng D’Ninang ng Regal Entertainment, Inc. na lumipat lamang siya ng talent management at hindi ng television network.

Binanggit din ng young actress na freelance artist ito sa kasalukuyan.

Nagpapasalamat si Kisses sa suporta sa kanya ni Ai-Ai delas Alas, ang lead actress ng D’Ninang na ipalalabas sa mga sinehan simula sa January 22, 2020.

Ayon kay Kisses, "Yung nilipatan ko ay management muna, hindi pa po muna ako naglipat ng network.

"So, sa ngayon po ay freelance ako.

"At saka sa suporta po ni Ms. Ai-Ai, sobrang grateful po ako sa lahat ng suporta, especially sa ginawa po niya last year.

"Meron pong mga isyu, salamat po sa ginawa niya. Sobrang na-appreciate ko po yun."

Hindi lamang ang ibinigay na suporta ni Ai-Ai sa kanya ang ikinuwento ni Kisses dahil ibinahagi rin nito ang pag-iikot niya sa GMA-7, sa tulong ng Comedy Queen.

Continue reading below ↓

"At saka tinour po niya ako sa GMA 7, sa studio. Masaya po yung tour," lahad ng young actress.

Matatandaang ipinagtanggol ni Ai-Ai si Kisses nang masangkot ang dalaga noong November 2019 sa isang kontrobersiyang may kinalaman sa dating condominium unit na nirerentahan ng young actress at ng pamilya nito.

Continue reading below ↓

Hingan si Ai-Ai ng reaksiyon tungkol sa pasasalamat ni Kisses sa kanya.

Sagot niya, "Noong may isyu siya last year, siyempre, ipinagtanggol ko siya kasi kilala ko naman siyang bata.

"Kilala ko yung pamilya niya, yung mommy at daddy niya.

"Love ko siya, kasama ko siya sa pelikula.

"Halos naman lahat ng nakakasama ko sa pelikula, talagang nagiging close kami.

"Parang mga anak ko na sila, nagiging anak ko sila sa totoong buhay.

"Bukod sa suporta ko sa kanya sa personal na buhay, tinour ko siya sa GMA-7. 'This is Studio 7, ito ang pinakamalaking studio sa GMA 7, ito ang dressing room…'"

Sa ngayon, hindi pa alam ni Kisses ang magiging desisyon ng kanyang pamilya at ng bagong namamahala sa showbiz career niya, pero tiniyak ng young actress na lalabas pa rin siya sa mga programa ng ABS-CBN.

"Makakaasa po yung ABS-CBN na wala pong magbabago sa pagtingin ko sa kanila. Mahal ko pa din po sila."

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kisses Delavin on ABS-CBN: "Makakaasa po yung ABS-CBN na wala pong magbabago sa pagtingin ko sa kanila. Mahal ko pa din po sila."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results