Manila Mayor Isko Moreno, guest of honor sa Eastwood Walk of Fame

by Jojo Gabinete
Jan 9, 2020
Si Manila City Mayor Isko Moreno ang guest of honor sa induction ng mga personalidad na bibigyan ng sariling bituin sa 2019 Eastwood City Walk of Fame, na magaganap sa darating na Linggo, January 12, 2020.
PHOTO/S: Isko Moreno Domagoso Facebook

Mahigpit ang paalaala sa lahat ng inductees na 5:30 P.M. sharp ang calltime nila, at magtitipon-tipon sila sa isang restaurant sa Eastwood City Central Plaza bago sumakay ng 5:45 P.M. sa limousine na magdadala sa kanila sa venue.

Ang inductees ay isa-isang maglalakad sa red carpet at kukunan ng litrato sa photo wall, at saka sila ihahatid sa kanilang mga upuan.

Ala-sais ng gabi ang umpisa ng event proper, at magkakaroon muna ng invocation na pangungunahan ni Boots Anson-Rodrigo, ang presidente ng Movie Workers Welfare Foundation (MOWELFUND).

Pagkatapos ng invocation, ipakikilala ang mga Board of Trustees ng German Moreno Walk of Fame at ang mga pararangalang bituin.

Ang mga pararangalang bituin ay sina Edu Manzano, Jiggy Manicad, Rachelle Ann Go, Catriona Gray, Alex Gonzaga, Jun Banaag, Kim Atienza, Nanette Inventor, at ang American stand-up comic na si Jo Koy.

Continue reading below ↓

Ang Chairman of the Board ng German Moreno Walk of Fame Foundation at ang Chief Strategic Officer ng Megaworld Corporation na si Kevin Tan ang magbibigay ng welcome remarks.

Maghahatid din ng mensahe si Federico Moreno, ang pangulo ng German Moreno Walk of Fame Foundation at presidente ng Supershow Entertainment Technology Company.

Si Federico ang nag-iisang anak ng pumanaw na TV host na nagpasimula sa Walk of Fame.

Hinihiling sa inductees na tapusin ang programa na magkakaroon ng international coverage.

Strictly black formal ang requested attire, at bibigyan ang inductees ng isang libreng upuan para sa kanilang kasama.

Dalawang libong piso ang sisingilin per head sa additional guests na isasama ng mga pararangalan sa Eastwood Walk of Fame.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Manila City Mayor Isko Moreno ang guest of honor sa induction ng mga personalidad na bibigyan ng sariling bituin sa 2019 Eastwood City Walk of Fame, na magaganap sa darating na Linggo, January 12, 2020.
PHOTO/S: Isko Moreno Domagoso Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results