Jerald Napoles, ipinagtanggol si Alden Richards sa komentong dapat nitong limitahan ang pakikipagkaibigan sa gays

by Jojo Gabinete
Jan 9, 2020
Jerald Napoles's message to Alden Richards on Instagram: "Sa wakas nagkita uli tayo, sabi sa’yo habambuhay na kitang kukulitin kahit saang landas man tayo mapadpad. Haha maging mas gwapo man ako sa’yo hahaha!!"
PHOTO/S: Noel Orsal / Jerald Napoles Instagram

Pinatunayan ni Jerald Napoles na tunay at mabuti siyang kaibigan ni Alden Richards dahil sa pagtatanggol niya sa Kapuso actor laban sa uncalled-for unsolicited advice ng kanyang follower sa Instagram.

"Langya may bagong pa-sabog na naman to eh. Nakaka-proud!

"Sa wakas nagkita uli tayo, sabi sa’yo habambuhay na kitang kukulitin kahit saang landas man tayo mapadpad. Haha maging mas gwapo man ako sa’yo hahaha!!

"Happy New Decade @aldenrichards02 isa ka na ngayong #PangmalakasangBae very good ka na naman,” caption ni Jerald sa magkasamang larawan nila ni Alden sa Instagram.

Continue reading below ↓

Isang follower ni Jerald ang hindi positive ang reaksiyon (published as is):

"As a friend,advise mo si Alden na limit ang pakikipag- friends sa gays,kalalakeng tao,nakapaligid s’ya sa mga bakla,not against gays,madami ako friends na gays at cousins..iisa lang sinasabi nila,'nakakahawa ang kabaklaan'..."

Hindi pinalampas ni Jerald ang maling paniniwala ng kanyang Instagram follower, pero gumamit siya ng hindi nakakainsultong salita sa sagot niya.

Sabi ni Jerald: "Hindi nakakahawa ang kabaklaan.. Nakakahawa ang hindi malawak na pagtanggap sa pagkatao ng isang indibidwal. Ang pakikipagkaibigan ay magandang ugali.. Bakit kailangan limitahan."

Nabuo ang malalim na pagkakaibigan nina Jerald at Alden nang magkasama sila sa defunct Sunday noontime program na Sunday PinaSaya.

Kahit magkaiba na ang TV network na kanilang ginagalawan—dahil napapanood na si Jerald sa FPJ's Ang Probinsyano ng ABS-CBN—nananatili silang magkaibigan ni Alden.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jerald Napoles's message to Alden Richards on Instagram: "Sa wakas nagkita uli tayo, sabi sa’yo habambuhay na kitang kukulitin kahit saang landas man tayo mapadpad. Haha maging mas gwapo man ako sa’yo hahaha!!"
PHOTO/S: Noel Orsal / Jerald Napoles Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results