Ai-Ai delas Alas, first time nakahalik sa imahe ng Black Nazarene

by Jojo Gabinete
Jan 9, 2020
Kabilang si Ai-Ai delas Alas sa mga showbiz personality na inimbitahang mag-perform sa free show sa Quirino Grandstand para sa libu-libong deboto ng Black Nazarene.
PHOTO/S: Noel Orsal

“Masarap sa pakiramdam.”

Ito ang description ni Ai-Ai delas Alas tungkol sa unang pagkakataong nakahalik siya sa imahe ng Black Nazarene sa vigil na ginanap sa Quirino Grandstand kagabi, January 8.

Nangyari ito bago nag-umpisa ang Traslacion 2020 na kasalukuyang nagaganap sa lungsod ng Maynila.

Kabilang si Ai-Ai sa mga showbiz personality na inimbitahang mag-perform sa free show sa Quirino Grandstand para sa libu-libong deboto ng Black Nazarene.

Kuwento ni Ai-Ai, "Inimbitahan ako ng production designer ng Pinay Pie [2003] na naglilingkod na ngayon kay Lord at, yearly, assistant director ng show sa Quirino Grandstand para sa mga deboto ng Black Nazarene.

"Masarap sa pakiramdam dahil napakaraming tao, at first time kong nakahalik sa Nazareno."

Halos walang pahinga si Ai-Ai dahil mula sa grand presscon kagabi ng D’Ninang sa Valencia Events Place, tumuloy siya sa Quirino Grandstand para aliwin ang mga deboto ng Black Nazarene na nagtipun-tipon sa naturang lugar.

Continue reading below ↓

Past 1:30 A.M. na nang makapag-perform si Ai-Ai dahil tinapos muna ang Holy Mass, kaya alas-tres na ng madaling-araw nang makauwi siya sa kanyang tahanan.

May nakapagsabi sa kanyang taon-taon, nakikita si Coco Martin sa vigil sa Quirino Grandstand para sa Black Nazarene, pero hindi raw sila nagpang-abot kagabi.

Ang tangkilikin ng publiko ang kanyang family movie na D’Ninang ang isa sa mga ipinagdasal ni Ai-Ai sa Black Nazarene.

Inimbitahan din ni Ai-Ai ang lahat ng tao sa Quirino Grandstand na suportahan ang kanyang pelikula na may playdate sa January 22, 2020.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kabilang si Ai-Ai delas Alas sa mga showbiz personality na inimbitahang mag-perform sa free show sa Quirino Grandstand para sa libu-libong deboto ng Black Nazarene.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results