GMA News reporter Jun Veneracion, inagawan ng cellphone ng police chief sa Traslacion 2020

by Jojo Gabinete
Jan 10, 2020
Idinetalye ng GMA News reporter na si Jun Veneracion (kaliwa) ang insidente habang ginaganap ang Traslacion 2020 sa Ayala Bridge sa Maynila, kung saan inagaw ni Southern Police District Director PBGen. Nolasco Bathan (kanan) ang kanyang cellphone at binura ang video na kinunan niya mula sa insidente.
PHOTO/S: GMA News

Hindi niya nakilala ang GMA News reporter na si Jun Veneracion at sumusunod lamang siya sa utos sa kanila.

Ito ang paliwanag ni Southern Police District Director PBGen. Nolasco Bathan tungkol sa isyu ng pang-aagaw niya sa cellphone ng GMA News reporter sa insidenteng nangyari habang nagaganap ang Traslacion 2020, sa Ayala Bridge ng Maynila, kahapon, January 9, 2020.

Sumumpa rin si Bathan na hindi niya binura ang photo gallery sa iPhone ni Veneracion at saksi raw niya ang Itim na Nazareno.

Na-recover naman ni Veneracion ang deleted video, kaya parang siya ang pinaghimalaan at kinampihan ng Black Nazarene para lumitaw ang katotohanan.

Depensa ni Bathan sa panayam sa kanya ng GMA News tungkol sa "cellphone snatching" na akusasyon laban sa kanya: "Ang reaksiyon ko, unang-una, hindi ko alam na media siya, at ang instruction sa amin, bawal sa daan para makadaan nang maayos yung ating Andas, yun lang.

"Nagkataon, nakita ko, merong kinuha na magulo na deboto.

Continue reading below ↓

"Here comes another guy, nagpi-picture, akala ko, nire-rescue niya yung deboto na magulo, kinuha ko yung cellphone niya."


Pero iba ang pahayag ni Veneracion—na na-recover ang cellphone mula kay Bathan, pati na ang deleted video na kuha niya—tungkol sa pagkakagulo ng mga pulis at ng mga deboto na sumali sa Traslacion 2020.

Continue reading below ↓

Itinuturing na "police brutality" ang insidente ng ilang kababayang nakapanood sa kontrobersiyal na video.

Nang ibalik ni Bathan kay Veneracion ang iPhone nito, napansin ng GMA News reporter na burado na ang content ng picture gallery ng kanyang cellphone na naglalaman ng mga ebidensiya sa naganap na karahasan.

Ito ang detalyadong kuwento ni Veneracion, na ipinost niya sa Facebook at Instagram, tungkol sa kanyang karanasan sa coverage kahapon ng Traslacion 2020 at ang kanyang sinapit sa mga kamay ni Bathan (published as is):

"There are good cops but there some who think they can get away with murder.

"Here’s my personal account of an unpleasant encounter with a high-ranking police officer while covering Translacion 2020.

"While taking footage on my phone of a commotion between cops and a hapless Black Nazarene devotee on Ayala Bridge in Manila, a police general suddenly darted out of nowhere and snatched my mobile unit. He quickly moved away from the scene.

Continue reading below ↓

"I was accosted by another police officer, preventing me from going after the police official who took away my phone; didn’t get his name and could no longer remember his face.

"But one thing stood out: I saw a star on his shoulders.

"Minutes later, a group of photo journalists called my attention and pointed to a PNP official. 'Sya yun,' they said.

"The culprit turned out to be one of the district commanders of the NCRPO—B/Gen. Nolasco Bathan.

"Asked him: 'bakit mo kinuha ang phone ko, sir.'

“He was fuming mad, even threatening to confiscate my hand-held radio.

"Told him: 'lalayo muna ako kasi masyado kang mainit, sir.'

"Minutes later, I came up to him to ask for my phone. 'Pasensya ka na, Jun, hindi kita nakilala,' he said.

"Then, he handed back the cellphone.

"I checked the photo gallery and found that the video of the tense encounter between the cops and the devotee had been deleted.

Continue reading below ↓

"'Bakit nabura ang video ko, sir,'" I asked Gen. Bathan.

"'Wala akong binura dyan, saksi ko pa ang Itim na Nazareno,' he replied. I turned my back and left.

"Good thing there’s a 'recently deleted photo album' that enables the iphone users to recover erased photos and videos.

"Apparently, someone forgot to switch off the record button.

"At the tail end of the recording, a voice can be heard: a man giving an instruction to someone. 'Burahin mo, burahin mo kuha ni Jun Veneracion. Pu#!#! ina nagku-kwan eh.'"

Continue reading below ↓

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Idinetalye ng GMA News reporter na si Jun Veneracion (kaliwa) ang insidente habang ginaganap ang Traslacion 2020 sa Ayala Bridge sa Maynila, kung saan inagaw ni Southern Police District Director PBGen. Nolasco Bathan (kanan) ang kanyang cellphone at binura ang video na kinunan niya mula sa insidente.
PHOTO/S: GMA News
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results