Janine Teñoso: ang singer ng theme song ng Miracle In Cell No. 7

by Jojo Gabinete
Jan 10, 2020
Ang singer na si Janine Teñoso ang kumanta ng "Tag-araw," ang theme song ng MMFF 2019 topgrosser na Miracle In Cell No. 7. Ang "Tag-araw" ay original na kanta ni Wency Cornejo at unang na-release noong 1996.
PHOTO/S: Janine Tenoso Instagram

Thankful and grateful si Janine Teñoso dahil siya ang napili ng Viva Films para mag-revive ng "Tag-araw," ang original song ni Wency Cornejo noong 1996.

Ang version ni Janine ng "Tag-araw" ang ginamit na official soundtrack ng Miracle in Cell No. 7, ang blockbuster Metro Manila Film Festival (MMFF) 2019 entry ni Aga Muhlach.

Hindi pa isinisilang si Janine nang sumikat ang "Tag-araw" kaya wala talaga siyang alam tungkol sa kanta na memoryadong-memoryado naman ng kanyang mga magulang.

Kuwento niya, "Actually, hindi ko po talaga alam yung kanta, pero sina Mommy, yun ang kapanahunan nila, so alam nila.

"Super proud sila nang i-revive ko ang 'Tag-Araw,' pati na ang ibang kanta na kinanta ko na kapanahunan nila.

"Super happy and grateful po sila."

Overwhelmed si Janine dahil sa mainit na pagtanggap sa kanya ng cast ng Miracle in Cell No. 7 sa kanilang mga mall show.

Aniya, "Sobrang accepted po nila ako.

Continue reading below ↓

"I felt so important to them and nakakatuwa talaga na kasama si Sir Aga, lahat ng cast and, I think, it’s probably the best cast I’ve worked with."

JANINE'S SISTER

Sa pamilya ni Janine, hindi lamang siya ang produkto ng talent competition show sa telebisyon dahil naunang sumali ang kanyang nakatatandang kapatid na si Jensen na naging contestant ng Season 1 ng Protégé ng GMA 7 noong 2011.

Naninirahan na sa ibang bansa si Jensen.


Continue reading below ↓

Hindi man natupad ang kanyang pangarap na maging kilalang singer sa Pilipinas, naging mapalad naman si Janine na ipagpatuloy ang pangarap niya.

"Six years older sa akin si Jensen. Siya po talaga ang nauna sa akin.

"She was an artist in GMA-7 before. She joined Protégé.

"Hindi na niya itinuloy because she wanted another path at she also continued her studies.

"Ngayon, nasa ibang bansa na siya," ang ilang impormasyong ibinahagi ni Janine tungkol sa kanyang kapatid na carbon copy niya at dating talent ng GMA-7.

NEW SINGLE

Sumali si Janine sa Born To Be A Star, ang singing competition ng TV5 noong 2016, pero hindi siya pinalad manalo.

Inamin ni Janine na nawalan na siya ng pag-asang ipagpatuloy ang singing career niya.

Pero isang tawag sa telepono mula sa Viva ang nagpabago sa takbo ng kanyang buhay.

"Dapat ipagpapatuloy ko na lang yung college, pero nang sabihan ako ng Viva na mag-sign ako sa kanila ng contract, nag-stop ako sa Business management course ko sa Southville Foreign University sa Las Piñas."

Continue reading below ↓

Matapos ang success ng "Tag-Araw," isang original song na isinulat niya ang ipinu-promote ni Janine at available na ngayong araw, January 10, sa lahat ng digital streaming platforms.

Ito ay ang "Umibig Muli," ang mellow acoustic tune na muling magpapamalas sa kanyang sweet-sounding voice.

Si Jay Durias ng South Border ang producer at arranger ng "Umibig Muli," na isang taon bago natapos na isulat ni Janine.

Para makumpleto ang "Umibig Muli," isang buwang namalagi si Janine sa kuwarto nito at nagbasa ng romantic novels habang isinusulat niya ang lyrics ng kanyang bagong single sa Viva Records.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang singer na si Janine Teñoso ang kumanta ng "Tag-araw," ang theme song ng MMFF 2019 topgrosser na Miracle In Cell No. 7. Ang "Tag-araw" ay original na kanta ni Wency Cornejo at unang na-release noong 1996.
PHOTO/S: Janine Tenoso Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results