Miracle In Cell No. 7, mahigit P100M ang lamang sa The Mall, The Merrier

by Jojo Gabinete
Jan 10, 2020
MMFF 2019 Top 4: Miracle In Cell No. 7; The Mall, The Merrier; 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon; Mission Unstapabol: The Don Identity.
PHOTO/S: @viva_films / @starcinema / @mr.cocomartin / Twitter

Malinaw ang pahayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ng Metro Manila Film Festival (MMFF) Executive Committee na "in alphabetical order" ang resulta ng inilabas nilang Top 4 MMFF official entries.

Pero marami pa rin ang nalito at nag-akalang second topgrosser ang pelikula ni Vic Sotto na Mission Unstapabol: The Don Identity.

Number one sa report ng MMDA at MMFF ExeCom ang Miracle Cell No. 7, pangalawa ang Mission Unstapabol: The Don Identity, pangatlo ang M&M: The Mall, The Merrier, at pang-apat ang 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon.

Ang gross sales receipt ng mga pelikulang kalahok sa 45th MMFF ang naging basehan ng report ng MMDA at MMFF Executive Committee, pero hindi sila nag-release ng exact figures.

Para sa kapakanan ng publiko na interesadong malaman ang tunay na box-office gross, as of January 7, ng Top 4 MMFF official entries, ito ang kmga inita ng bawat pelikula:

Miracle in Cell No. 7 - PHP426 million

Continue reading below ↓

The Mall, The Merrier - PHP323 million

3Pol Trobol: Huli Ka Balbon - PHP87 million

Mission Unstapabol: The Don Identity - PHP74 million.

Tiyak na madaragdagan pa ang box-office earnings ng mga nabanggit na pelikula dahil bukod sa extended sa mga sinehan ang pagtatanghal, magkakaroon din ng mga international screening ang select MMFF movies.

Patuloy ang paggawa ng milagro ng Miracle in Cell No. 7 sa mga sinehan dahil palabas pa rin ang blockbuster movie ni Aga Muhlach sa 204 cinemas nationwide.

Kasado na rin ang international screenings ng pelikula na mapapanood sa Brunei, Malaysia, at Singapore simula ngayong araw, January 10.

Nakatakda naman ang US screenings ng Miracle in Cell No. 7 sa January 17.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
MMFF 2019 Top 4: Miracle In Cell No. 7; The Mall, The Merrier; 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon; Mission Unstapabol: The Don Identity.
PHOTO/S: @viva_films / @starcinema / @mr.cocomartin / Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results