Ai-Ai delas Alas sinagot ang bashers ng kanyang anti-same-sex marriage statement

by Jojo Gabinete
Jan 11, 2020
“Hindi rin ako natatakot sa mga sinasabi ng bashers dahil mas nakakatakot kapag hindi ko sinunod ang mga salita ng Diyos na may lalang sa ating lahat," ang sagot ni Ai-Ai delas Alas sa kanyang bashers na umatake sa kanya matapos ng kanyang pahayag tungkol sa same-sex marriage.
PHOTO/S: Noel Orsal

Kay God kayo mag-explain,” ang mensahe ni Ai-Ai delas Alas sa bashers at so-called social media influencers na kumukuyog sa kanya sa Twitter, dahil hindi matanggap ang sinabi niya sa grand presscon ng D’Ninang noong Miyerkules, na hindi siya pabor sa same-sex marriage sa loob ng Roman Catholic church.

Apparently, pinairal ng mga kritiko ang bugso ng damdamin kaya hindi nila naunaawan nang mabuti ang sinabi ni Ai-Ai, na may mga kaibigan siya na miyembro ng third sex na nagpapakasal sa mga garden at hindi ito problema sa kanya, tanging ang pagpapakasal lamang sa Roman Catholic church.

Walang Twitter account si Ai-Ai pero nabalitaan nito na wagas ang pagbatikos sa kanya sa Twitter ng mga tao na kinokondena ang paniniwala niya na hindi dapat magpakasal sa simbahan ang dalawang tao na pareho ang kasarian.

Inungkat din ng bashers ni Ai-Ai ang mga pagkakamali na nagawa niya noon, pero hindi naaapektuhan ang Comedy Queen dahil mas mahalaga raw na pinagsisihan at inihingi na niya ng kapatawaran sa Diyos ang kanyang mga kasalanan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Heto ang caption ni Ai-Ai sa kanyang Instagram post na mensahe niya sa mga taong hinuhusgahan siya (published as is):

AT sa mga bashers sa twitter kahit wala akong twitter [face with tears of joy emoji].....Kay God kayo mag-explain, huwag sa akin dahil nag-share lang ako ng Kanyang mga salita na nakasulat sa Bibliya

....kung sakaling dumating ang panahon na maliwanagan na ang mga isip ninyo, willing ako na maging NINANG nyo at tutulungan ko kayo na ituro sa inyo ang tamang daan patungo kay Lord.

Hindi ko naman itinatanggi NA MAKASALANAN AKO MADAMI AKONG PAG KAKAMALI NOON pero ang mahalaga, tinanggap ko ang AKING mga kasalanan, mga pag kakamali

...nagsisi ako at humingi sa Kanya ng kapatawaran AT NAG BAGONG BUHAY ... GOD is a forgiving GOD ... GOD BLESS EVERYONE [green heart emoji] TO GOD BE THE GLORY.

#nagrepostlangakongkatolikongpinoy #akoysumusunodlamang #takotakokayLORDkesabashers [grinning face emoji]

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dagdag na pahayag pa ni Ai-Ai nang makausap namin over the phone: “At sa mga nagpapakilala na social media influencers sila, naturingan kayo na influencers pero mali ang mga itinuturo ninyo.

“Hindi rin ako natatakot sa mga sinasabi ng bashers dahil mas nakakatakot kapag hindi ko sinunod ang mga salita ng Diyos na may lalang sa ating lahat.

“Ang Diyos na nilalapitan at hinihingan natin ng mga tulong sa tuwing may mga pagsubok na dumarating sa mga buhay natin,” patuloy pa ni Ai-Ai, na kumukuha umano ng lakas sa pamamagitan ng kanyang matibay na pananampalataya sa Poong Maykapal.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“Hindi rin ako natatakot sa mga sinasabi ng bashers dahil mas nakakatakot kapag hindi ko sinunod ang mga salita ng Diyos na may lalang sa ating lahat," ang sagot ni Ai-Ai delas Alas sa kanyang bashers na umatake sa kanya matapos ng kanyang pahayag tungkol sa same-sex marriage.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results