Joshua Garcia, Julia Barretto maayos ang working relationship kahit hiwalay na

by Jojo Gabinete
Jan 11, 2020
Julia Barretto (left) on seeing ex-boyfriend Joshua Garcia (right) again during their promo sorties for their upcoming movie Block Z: "Parang na-miss ko rin siya kasi siyempre, ang tagal naming hindi nagkasama. Na-busy siya, na-busy ako.”

Parang may dumaang anghel nang tanungin sina Joshua Garcia at Julia Barretto tungkol sa kanilang working relationship habang ginagawa nila ang pelikulang Block Z.

Natahimik kasi ang lahat ng mga dumalo sa presscon ng pelikula na ginanap ngayong Sabado ng gabi, January 11, 2020, sa ELJ Building ng ABS-CBN sa Quezon City, habang sumasagot sila.

Ang Block Z ang zombie movie ng Star Cinema na pinagbibidahan nina Julia at Joshua na mapapanood sa mga sinehan simula January 29.

Si Mikhail Red ang direktor ng Block Z, na 30 araw na nagkaroon ng shooting sa loob ng limang buwan.

Naganap ang controversial breakup nina Joshua at Julia noong 2019, at nangyari ito habang hindi pa tapos ang shooting ng kanilang pelikula.

“Okay kami,” ang initial reaction ni Joshua nang kumustahin ang working relationship nila ni Julia ngayong napapadalas ang pagkikita nila dahil sa promo ng Block Z.

Matipid namang sagot ni Julia, “Actually, nung nakita ko siya, ito personally, ano ako…

Continue reading below ↓

"Parang na-miss ko rin siya.

"Kasi siyempre, ang tagal naming hindi nagkasama. Na-busy siya, na-busy ako.”

Nagpasalamat naman si Julia dahil sa tanong sa kanila ni Joshua at ayon sa kanya, okay silang dalawa.

Aniya, “I’m okay, thank you for asking.

"And one of the things na I’m super grateful for is that we’re able to protect and make sure that the friendship will still remain.

“And tama siya, when I first saw him also, it felt familiar.

"Parang it’s a familiar place, it’s a comfortable safe place."

Inamin nina Joshua at Julia ang kanilang two-year-old relationship noong April 2019.

Pero makalipas ang tatlong buwan, kinumpirma ni Joshua sa PEP.ph na naghiwalay na sila ng kanyang girlfriend.

Sa panayam kay Joshua na lumabas sa PEP.ph noong July 12, 2019, sinabi niyang magkaibigan pa rin sila ni Julia at hindi nawawala ang kanyang pagmamahal sa dalaga.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julia Barretto (left) on seeing ex-boyfriend Joshua Garcia (right) again during their promo sorties for their upcoming movie Block Z: "Parang na-miss ko rin siya kasi siyempre, ang tagal naming hindi nagkasama. Na-busy siya, na-busy ako.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results