Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Yam Concepcion, handa na bang pakasal sa non-showbiz boyfriend?

by Jojo Gabinete
Jan 11, 2020
Is Yam Concepcion ready to settle down with Miguel Cu-Unjieng, her non-showbiz boyfriend of five years?
PHOTO/S: @yamconcepcion Instagram

Five years na ang long-distance relationship ni Yam Concepcion at ng kanyang environmentalist boyfriend na si Miguel Cu-Unjieng kaya hindi maiwasang hindi siya tanungin tungkol sa kanilang pagpapakasal.

Si Yam ang lead star sa Night Shift, ang horror movie ng Viva Films at Aliud Entertainment Inc.

Sa ginanap na presscon ng kanyang pelikula ngayong Sabado, January 11, ang pagpapakasal nila ni Miguel ang itinanong ng entertainment writers.

“Puwede, depende. Sana huwag nating i-jinx,” nakangiting sagot ni Yam.

Nakatuon muna raw ang atensiyon ng aktres sa magandang momentum ng kanyang showbiz career.

Ang maturity nila at matibay na foundation ng kanilang pagmamahalan ang mga dahilang sinabi ni Yam kaya matatag ang relasyon nila ni Miguel.

“Very secure na tao siya, very supportive. Mabait na tao,” description ni Yam tungkol kay Miguel, na excited nang mapanood ang Night Shift dahil fan daw siya ng mga horror film ni Yam Laranas.

Ang Sigaw na mula sa direksyon ni Yam ang isa sa mga paborito ni Miguel na pelikula.

Continue reading below ↓

Grateful si Yam dahil ang Night Shift ang opening salvo ng Viva Films at Aliud Entertainment Inc.

Hindi lamang ang Night Shift ang project ni Yam sa 2020 dahil cast member din siya ng Love Thy Woman, ang TV series na reunion ng real-life love team nina Kim Chiu at Xian Lim.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Alam ni Yam na siya ang ipinalit kay Erich Gonzales sa role na tinanggihan nito, pero walang problema sa kanya.

“Siyempre, masaya kasi may project ako.

"Magandang opportunity ito for me to able to work with mga beteranong aktres, aktor.

"Kumbaga, it’s an honor na makatrabaho ko sila,” pahayag ni Yam.

Sa tanong kung nagpaalam siya kay Erich dahil tinanggap niya ang role sa Love Thy Woman, sagot ni Yam, “Parang wala naman. Kasi number one, I think siya yung nag-back out sa project.

“Pumunta yung team nina Sir Deo [Endrinal] sa Viva, pinresent nila yung istorya, nung time na hindi ko pa alam na si Erich yung umalis.

Continue reading below ↓

"Pinresent nila sa akin yung story.

"Sabi ko, 'I’ll think about it, let me read the script first.'

"And then, the next day, sabi ko, 'Sige, puwede,'" kuwento pa ni Yam tungkol sa pagtanggap niya sa role sa Love Thy Woman na tinanggihan ni Erich.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Is Yam Concepcion ready to settle down with Miguel Cu-Unjieng, her non-showbiz boyfriend of five years?
PHOTO/S: @yamconcepcion Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results