Ashfall mula sa Taal Volcano eruption, nakaapekto sa 14th Walk of Fame sa Eastwood

by Jojo Gabinete
Jan 13, 2020
Kabilang sina Edu Manzano, Catriona Gray, Jo Koy, at Alex Gonzaga sa inductees sa 14th Walk of Fame na ginanap sa Eastwood, Libis, Quezon City, kagabi, January 12.
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Apektado ng ashfall mula sa Taal Volcano eruption ang 14th Walk of Fame na ginanap sa Eastwood, Libis, Quezon City, kagabi, January 12.

Personal na nasaksihan ng Cabinet Files ang pangangati ng katawan ng fans na sinaksihan ang unveiling ng mga bituin ng siyam na inductees, panay ang pagpag ng mga bisita sa damit at buhok nila dahil sa abo na dumikit sa kanila.

Binilisan din ng invited guests ang pagkain sa sit-down dinner dahil sa ashfall na dala ng hangin mula sa phreatic eruption ng Taal Volcano.

Sina John Nite at Jackie Lou Blanco ang mga host ng event.

Ang MOWELFUND executive director na si Boots Anson Rodrigo ang nanguna sa invocation prayer.

Hall of Fame inductees sina Edu Manzano, Catriona Gray, Alex Gonzaga, Kim Atienza, Jun Banaag, Jiggy Manicad, Nanette Inventor, at ang Filipino-American comedian at Netflix star na si Jo Koy.

May pananagutan ang scriptwriter ng programa dahil hindi niya alam ang tunay na family name ni Boots.

Continue reading below ↓

Paulit-ulit na sinabi nina John at Jackie ang "Boots Anson King," pero Rodrigo ang apelyido ng beteranang aktres at King ang pangalan ng kanyang asawa.

Nang matapos ang invocation prayer ni Boots at inalalayan siya ni John para makababa mula sa stage, nakita namin (sa pamamagitan ng lip-reading) na sinabi ng aktres sa pamangkin ni German Moreno na Rodrigo at hindi King ang kanyang apelyido.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Pati sa press release na ipinamahagi tungkol sa 14th Walk of Fame, King ang nakalagay na apelyido ng respected veteran actress, na napangiti na lang nang makausap namin.

"Inisip nila siguro na King ang apelyido ko dahil Atty. King ang tawag ko sa asawa ko," ani Boots.

Mainit ang pagtanggap ng crowd sa inductees na may kanya-kanyang eksena sa unveiling ng kanilang mga bituin.

Parehong nahiga sa sahig sina Edu at Kim para magkaroon sila ng selfie photo sa kanilang mga bituin.

Pinasalamatan ni Edu ang Board of Trustees ng Eastwood Walk of Fame, pero higit sa lahat, nagpasalamat siya sa publiko na patuloy na sumusuporta sa mga artistang kagaya niya.

Continue reading below ↓

"At the end of the day, kayo po ang dapat naming pasalamatan dahil kung hindi sa inyo,wala po kami rito.

"Thank you very much sa inyong pagsuporta sa ating industriya and, at the same time, makikiusap ako sa ating Board of Trustees, maybe you can save a space beside my star for my son Luis,” mensahe ni Edu.

"Hinalikan naman ni Jo Koy ang kanyang bituin at kinanta rin niya ang ilang linya ng theme song ng Walk of Fame.

Pinasalamatan ni Alex ang officers ng German Moreno Walk of Fame Foundation dahil siya ang unang social media influencer na binigyan ng bituin sa Walk of Fame.

"Thank you for considering social media as part of the entertainment industry. Maraming-maraming salamat po.

"I’m so happy to be the first and, Hopefully, this will not be the last, kawawa naman sila.

"Katulad po ng ate ko,i

"Pero kapag inapakan niyo po ako, make sure na malinis ang suwelas ng sapatos ninyo, please,” ang nagbibirong pasasalamat ni Alex.

Continue reading below ↓

Bukod sa star sa Walk of Fame, tumanggap ang nine inductees ng plaque of appreciation mula sa German Moreno Walk of Fame Foundation.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kabilang sina Edu Manzano, Catriona Gray, Jo Koy, at Alex Gonzaga sa inductees sa 14th Walk of Fame na ginanap sa Eastwood, Libis, Quezon City, kagabi, January 12.
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results