Willie Revillame, nakunan ang pagputok ng Taal Volcano mula sa kanyang chopper

by Jojo Gabinete
Jan 13, 2020
Willie Revillame: "Nag-training ako kahapon ng chopper flying kaya nakita ko lahat. Ako lang ang nakakuha ng video habang nasa chopper."

Eksklusibong ibinahagi ni Willie Revillame sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang mga video ng pagsabog ng Taal Volcano na nakunan niya kahapon, January 12, 2020.

Nasaksihan ni Willie nang buong-buo ang pagsimula ng pagputok ng Taal Volcano dahil nagpa-practice siya sa Batangas ng pagpapalipad ng Robinson R44, ang kanyang four-seater helicopter, nang mapansin niya ang kakaibang pag-usok ng bulkan.

Kuwento ni Willie sa Cabinet Files, "I think 1 p.m. yun nang makita ko na palaki nang palaki ang usok mula sa Taal Volcano, at nakita ko lahat from the start.

"Nag-training ako kahapon ng chopper flying kaya nakita ko lahat.

"Ako lang ang nakakuha ng video habang nasa chopper."

Kasama sa mga video na ibinahagi ni Willie sa PEP.ph ang pag-landing ng helicopter niya sa Tuy, Batangas.

Dito niya nakausap si Mang Victor Sayasaya, isang residente ng naturang bayan.

"Nandito kami sa Batangas ho kasi nagpa-practice ako ng helicopter flying dito sa Tuy, Batangas," sabi ni Willie sa video ilang oras bago sumabog ang Taal Volcano.

Continue reading below ↓

Kinumusta ng Cabinet Files kay Willie ang kanyang vacation house sa Tagaytay City,.

Sabi ng GMA-7 host, "Sobrang dumi ng lugar ko, puro putik. Ayun, naglilinis lahat ngayon.

"Ganoon talaga, kasama sa buhay natin ang kalamidad."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Willie Revillame: "Nag-training ako kahapon ng chopper flying kaya nakita ko lahat. Ako lang ang nakakuha ng video habang nasa chopper."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results