Ai-Ai delas Alas, siniseryoso ang pagiging ninang ng bayan

by Jojo Gabinete
Jan 14, 2020
Kabilang sina Ai-Ai delas Alas (pangalawa sa kanan) at ang magkapatid na basketball players na sina Javi at Juan Gomez de Liaño (kaliwa at kanan) ng University of the Philippines sa tumayong godparents sa binyagang bayan sa Quiapo Church noong Linggo, January 12. Si Bishop Ted Bacani (pangalawa sa kaliwa) ang nagbinyag sa mga sanggol.
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Natuloy noong Linggo, January 12, ang pagiging ninang ng bayan ni Ai-Ai delas Alas sa Quiapo Church habang nagaganap ang pag-aalburoto ng Taal Volcano.

Hindi lamang si Ai-Ai ang tumayo bilang ninang dahil baptismal sponsor din si Chi-Chi Robles ng Radio Veritas at ang magkapatid na basketball players na sina Javi at Juan Gomez de Liaño ng University of the Philippines.

Si Ai-Ai ang lead actress ng D’Ninang, ang family drama-comedy film ng Regal Entertainment, Inc. na mapapanood sa mga sinehan simula sa January 22, 2020.

Pero walang kinalaman ang kanyang pelikula sa pagiging ninang niya.

Ang Binyag ng Bayan ay project ng Radio Veritas, ang AM station ng Catholic Church, at inimbitahan nila si Ai-Ai na suportahan nito ang kanilang proyekto dahil devout member ng simbahan at Papal awardee ang Comedy Queen.

Si Bishop Ted Bacani ang nagbinyag sa 12 sanggol at tatlo sa mga ito ang inanak ni Ai-Ai sa binyag.

Continue reading below ↓


Nang matapos ang binyag, kinuha ni Ai-Ai ang pangalan ng mga ama at ina, home address at contact numbers.

Bilang pangalawang magulang, gusto niyang masubaybayan ang paglaki ng kanyang godchildren.

Pahayag ni Ai-Ai, "Ngayon ko lang naranasan na maging ninang ng bayan and, I think, gagawin ko rin itong project bilang tulong ko sa Radio Veritas para matulungan natin ang mga mahihirap na magulang at ang kanilang babies.

Continue reading below ↓

"Kinuha ko ang mga pangalan at contact numbers nila dahil mga inaanak ko sila sa binyag.

"Balang-araw, puwede ko silang matulungan kung kailangan nila kasi kapag ninang ka, second mother ka ng mga bata."

Hindi lamang ang pagiging ninang sa binyag ng mga sanggol ang karanasan ni Ai-Ai dahil may mga inaanak din siya sa kasal.

Para kay Ai-Ai, mas malaki ang responsibilidad na maging ninang sa binyag kesa ninang sa kasal dahil mahalagang masubaybayan ang paglaki ng mga bata.

"Tutulong ka rin sa paghubog sa mga bata dahil parang mga anak na natin sila.

"Habang lumalaki sila, kailangang turuan natin sila ng magagandang asal at kung anuman ang maging problema nila, tutulungan natin sila."

Kasabay ng Binyag ng Bayan sa Quiapo Church noong Linggo ang paglulunsad ng Radio Veritas sa January 12 bilang araw ng Holy Birthday.

Sinabi ni Bishop Ted Bacani na sa pag-aaral na ginawa nila, 57 percent lamang sa mga Pilipino ang nakakaalam ng petsa o araw na bininyagan sila.

Continue reading below ↓

"Kung tatanungin ninyo ang lahat ng tao, naalaala nila ang araw ng kanilang pagsilang, ngunit kakaunti ang nakakamemorya ng araw ng kanilang binyag.

"Tandaan natin ang sinabi ng Panginoon, maliban na kayo ay isilang na muli, hindi niyo makikita ang kaharian ng Diyos. “

"Sa madaling-salita, hindi tayo makapapasok sa kaharian ng langit kung hindi tayo isisilang na muli.

"At paano tayo isinisilang na muli?

"Kung tayo ay mabibinyagan sa tubig ng Espiritu Santo kaya mas mahalaga sa mga tao na siya ay mabinyagan kesa sa unang pagsilang.

"Isinilang siya bilang tao at nang binyagan, isinilang na muli, rebirth, bilang anak ng Diyos," paliwanag ni Bishop Bacani tungkol sa Holy Birthday advocacy nila na kailangang alam ng lahat ng mga Pilipino ang araw na bininyagan sila.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kabilang sina Ai-Ai delas Alas (pangalawa sa kanan) at ang magkapatid na basketball players na sina Javi at Juan Gomez de Liaño (kaliwa at kanan) ng University of the Philippines sa tumayong godparents sa binyagang bayan sa Quiapo Church noong Linggo, January 12. Si Bishop Ted Bacani (pangalawa sa kaliwa) ang nagbinyag sa mga sanggol.
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results