Tagaytay City residents, umapela sa mga turistang nakakasagabal sa relief ops

by Jojo Gabinete
Jan 14, 2020
Randy Balaguer appeals to tourists to give way to relief ops in Tagaytay City: "Kung magpapabida lang kayo sa post niyo na nakuhanan niyo ng picture ang bulkan habang sumasabog, ‘wag po please."
PHOTO/S: Dante Pamintuan Instagram / Randy Balaguer

Dismayado ang mga residente ng Tagaytay City sa pagdagsa ng mga turistang nakasasagabal sa relief at rescue operations sa mga lugar na naapektuhan ng pag-aalburoto ng Taal Volcano.

Isa ang voice-over announcer at events host na si Randy Balaguer, na residente ng Tagaytay City, sa mga umaapela sa mga turistang iwasan munang pumunta sa kanilang bayan para lamang sa photo-op.

Nananawagan si Randy at ang kanyang mga kasamahan na bumalik na lamang sa Tagaytay City ang mga turista kapag maayos na ang sitwasyon sa lugar.

Bukod sa kanyang Facebook posts, ipinaabot din ni Randy sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kanyang mensahe para sa mga bumibisita sa Tagaytay CIty.

"Naranasan ko kanina, abala ang mga volunteer sa relief operations.

"Pero imbes na mabilis na madala sa evacuation centers ang mga pagkain, nagkakaroon ng traffic dahil sa mga turista na inuuna ang pagpapa-picture sa Taal Volcano.

"Balik na lamang po sila sa Tagaytay kapag okey na ang bulkan at wala nang alert level. I know that tourism ang bumubuhay sa amin, pero not now,” himutok ni Randy.

Continue reading below ↓

Personal daw niyang nasaksihan ang mga turista na nagpapakuha ng litrato sa Tagaytay City habang background ang Taal Volcano.

"Nangyari ang insidente kaninang 3 p.m. sa Tagaytay City Science National High School.

"Ang mga tao, nasa ridge at panay ang pakuha ng larawan. Binusinahan ko nga nang bongga.

"Nasa Tagaytay ako mula 1 p.m. hanggang 6 p.m. Nagsasanhi ng heavy traffic ang mga turista na kumukuha ng larawan ng bulkan."

Pakiusap pa ni Randy, "Kung magpapabida lang kayo sa post niyo na nakuhanan niyo ng picture ang bulkan habang sumasabog, ‘wag po please.

"Sanhi kayo ng abala lalo na sa mga relief good operations."

Kasama ni Randy ang Tagaytay Wedding Vendors Association sa pamamahagi ng relief goods para sa evacuees.

Ang mga ito ay mula sa iba’t ibang bayan sa Batangas na pumunta sa Tagaytay City para makaiwas sa nakaambang panganib na dulot ng pagsabog ng Taal Volcano.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Randy Balaguer appeals to tourists to give way to relief ops in Tagaytay City: "Kung magpapabida lang kayo sa post niyo na nakuhanan niyo ng picture ang bulkan habang sumasabog, ‘wag po please."
PHOTO/S: Dante Pamintuan Instagram / Randy Balaguer
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results