Bela Padilla, na-shock sa pag-amin ni JC Santos na attracted siya sa aktres

by Jojo Gabinete
Jan 17, 2020
Inamin ni JC Santos sa presscon ng bagong pelikula nila ni Bela Padilla na crush niya ang aktres. Ikinagulat naman ito ni Bela at sinabing, "Ngayon ko lang nalaman ‘yan. Nakaka-shock itong presscon na 'to. Wow!"
PHOTO/S: Noel Orsal

Ang nailagay siya sa isang alanganin o awkward situation ang pakiramdam ni Bela Padilla nang aminin ni JC Santos na nagkaroon ito noon ng attraction sa kanya.

Nangyari ang pag-amin ni JC sa ginanap na presscon ng On Vodka, Beers and Regrets, ang kanilang pelikula na may playdate sa mga sinehan sa February 5, 2020.

"Ngayon ko lang nalaman ‘yan. Nakaka-shock itong presscon na 'to. Wow!" reaksiyon ni Bela nang marinig nito ang sagot ni JC.

"I think, alam niya," sabi naman ni JC sa tanong kung nagkaroon si Bela ng idea tungkol sa kanyang naramdaman noon.

"Ang pinakaimportante po sa akin, love na love ko si Bela.

"Ang pinakaimportante po sa akin, yung work relationship namin. Sana nga, makasampung pelikula pa kami.

"Ayokong magbago yung nararamdaman namin sa isa’t isa tuwing magkatrabaho kami, tuwing magkasama kami."

Isang anekdota tungkol kay JC sa unang pagsasama nila sa 2017 movie na 100 Tula Para Kay Stella ang ikinuwento ni Bela kaya naging komportable sila sa isa’t isa.

Continue reading below ↓

Lahad ng aktres, "Noong una kaming nagkatrabaho sa Stella, hindi kami magkakilala 'tapos mabigat yung una naming eksena together.

"So, kinabahan ako kasi hi and hello lang kami sa ABS-CBN.

"'Tapos, may nagpadala sa akin ng link ng Candy magazine, parang ininterbyu si JC.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"'Tapos, sabi celebrity crush, nabasa ko, nakalagay Bela Padilla.

"So, yun ang una kong sinabi sa kanya paglapit ko, 'Hoy, crush mo pala ako!' kaya pagdating namin sa set, komportable na kami.

"Masarap siyang asarin, hindi napipikon."

Si JC ang nailang sa rebelasyon ni Bela pero gustung-gusto raw niya talagang makatrabaho ang aktres na natupad naman dahil ang On Vodka, Beers and Regrets ang kanilang pang-apat na movie project.

Tungkol sa isang aktres na alcoholic ang karakter ni Bela sa On Vodka, Beers and Regrets.

Para maging makatotohanan ang pagganap niya, nag-research siya at tumulong sa kanya ang project director na si Irene Villamor.

Sa tunay na buhay, marami sa mga aktres sa local entertainment industry ang lulong sa alak, pero hindi mahahalata dahil marunong sila na magdala ng kanilang mga bisyo.

Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inamin ni JC Santos sa presscon ng bagong pelikula nila ni Bela Padilla na crush niya ang aktres. Ikinagulat naman ito ni Bela at sinabing, "Ngayon ko lang nalaman ‘yan. Nakaka-shock itong presscon na 'to. Wow!"
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results