Erwin Tulfo, nag-sorry sa kinastigo niyang Taal horse owners

by Jojo Gabinete
Jan 17, 2020
Erwin Tulfo, humingi ng paumanhin matapos mapagtantong hindi sinasadya ng Taal horse owners na maiwan ang mga kabayo nang pumutok ang bulkang Taal.
PHOTO/S: Tutok Tulfo / Twitter

Humingi ng public apology si Erwin Tulfo sa mga may-ari ng kabayo sa Taal island na kamakailan lang ay kinastigo niya.

Kaugnay ito ng akusasyon niyang pinabayaan ng Taal horse owners ang mga hayop na pinagkakakitaan, nang pumutok ang bulkan ng Taal, noong Linggo, January 12, 2020.

Dahil sa sama ng loob, binuweltahan ng mga Batangueño si Erwin, na pinaratangan nilang puro dada pero walang gawa.

Inimbitahan nila si Erwin na personal na pumunta sa kanilang bayan para makita ng broadcaster ang nakalulungkot na sitwasyon ng mga nasalanta ng Taal Volcano eruption.

Bugso ng damdamin ang depensa ni Erwin.

Sinabi ni Erwin sa kanyang Tutok Tulfo program na tao lamang siya na nagkakamali, matapos makarating sa kanya ang paliwanag ng mga kababayan nating nasaktan sa mabibigat na salitang pinakawalan niya.

Pahayag ni Erwin, "Nalaman ko po kanina ang totoong nangyari. Ako ho ay humihingi po ng paumanhin sa mga nasaktan.

Continue reading below ↓

"Sa mga nasabi ko, sa mga nabitiwan kong pananalita, ako po ay humihingi ng sorry sa inyo.

"Sa akin lang ho, kaya medyo uminit ang ulo ko, dala ho ng bugso ng damdamin.

"Nakita ko ho yung video nung kabayo, hindi na ho nagalaw, punumpuno po ng mga abo. Yung isa yata, nakatali pa.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"Ako po ay humihingi ng kapatawaran sa inyo, dun sa mga naapektuhan, sa mga nasaktan po sa mga nasabi ko."

Bago humingi ng paumanhin si Erwin sa mga na-offend na mga Batangueño, ibinahagi rin niya ang impormasong nakalap niya tungkol sa mga naiwang kabayo.

"Actually, in fairness, sinabihan daw sila ng mga local government unit, mag-bakwit na dahil nag-aalburoto ang bulkan.

"Ang sabi raw nila sa mga barangay official, mga tauhan ni Mayor, 'Paano itong mga alaga namin?' Ang sabi daw, babalikan kaagad."

Sadyang inuna lang daw ma-rescue ang mga residente.

"Yung mga ipinadala daw muna, yung mga bangka, pump boat... Unahin muna raw yung mga tao.

Continue reading below ↓

"Yung iba nga raw, hila-hila na yung mga kabayo nila doon sa pampang.

"Ang problema, hindi magkasya. Ang sabi raw, unahin muna yung mga tao," lahad ni Erwin tungkol sa tunay na nangyari kaya naiwan sa isla ng Taal ang mga kabayo.

Si Erwin ay may reputasyong matapang at hard hitting, at nilalapitan pa nga ng mga kababayang may hinaing sa gobyerno at sa private companies.

Dito ay nakakatulong siya.

Ngunit dumadalas na rin ang mga reklamong padaskol-daskol ito sa pananalita, gamit ang entablado ng broadcast media, nang kulang-kulang sa interbyu at pananaliksik.

Dito ay nakakasama siya.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Erwin Tulfo, humingi ng paumanhin matapos mapagtantong hindi sinasadya ng Taal horse owners na maiwan ang mga kabayo nang pumutok ang bulkang Taal.
PHOTO/S: Tutok Tulfo / Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results