Zsa Zsa Padilla, nabatikos dahil sa pagkampi kina Ai-Ai delas Alas at Luis Manzano

by Jojo Gabinete
Jan 18, 2020
Zsa Zsa Padilla, Ai-Ai delas Alas, at Luis Manzano, naniniwalang hindi kailangang i-post sa social media ang pagtulong sa Taal evacuees.
PHOTO/S: Noel Orsal

Nalungkot si Ai-Ai delas Alas nang madamay si Zsa Zsa Padilla sa pambabatikos ng netizens dahil sa pagkampi nila kay Luis Manzano.

Unang naghayag si Ai-Ai ng kanyang pagsang-ayon sa opinyon ni Luis na hindi naman kailangang ipinu-post sa social media ang lahat ng tulong sa kapwa.

Partikular na rito ang pagtulong sa mga kababayan nating biktima ng pagputok ng bulkang Taal noong January 12, 2020.

Narito ang kabuuang pahayag ni Ai-Ai (published as is):

"Bravo luis [clapping emojis]... isa sa pina ka generous at nakaktawa at mabait na tao sa industriya .. pinalaking tama ng idol kong si ate vi ...

"minsan d kailngan ilagay sa social media ang mga itinutulong .. kung gusto pwedeng ilagay para mainspire ang mga ibang tao gayahin ang mga artista na tumutulong ----yung iba its bet GOD and sa sarili nya..

"( pero kung hind man mag post wag isipin na hindi agad tumutulong mga nagiisip ng ganun mag reality check sa srili ...tanungin bago mag click AKO BA MAY NAITULONG ?? )

Continue reading below ↓

"salamat luis and sa lahat ng artista at mga KABABAYAN naten na tumulong sa mga naapektuhan ng bulkan taal .. ako ba tumulong??? Secret [laughing emoji]

"@luckymanzano @rosavilmasantosrecto #bangonbatangueñobangon"


Sa comments section, sumagot si Zsa Zsa ng "Amen to that."

Isang netizen ang kumuwestiyon kay Zsa Zsa kung tumulong ba ito sa Taal evacuees.

Continue reading below ↓

"Eh ang taray mo nga sa fans," dagdag ng netizen.


Hindi pinalampas ni Zsa Zsa ang wala sa lugar na pagtataray sa kanya ng netizen.

"I guess you are not my fan kasi di mo ako kilala para mo ako masabihan ng ganyan.

"And again, Di porke’t hindi nag post eh hindi tumulong. Di ko kailangan ng proof, dear.

Continue reading below ↓

"Read Matthew 6:1-4."

Ang Bible verse na binanggit ni Zsa Zsa ay pangaral tungkol sa pagkakawanggawa nang hindi na ipinangangalandakan pa.

Ito ang nilalaman ng nabanggit na bersikulo:

"Be careful not to practice your righteousness in front of others to be seen by them. If you do, you will have no reward from your Father in heaven.

Continue reading below ↓

"So when you give to the needy, do not announce it with trumpets, as the hypocrites do in the synagogues and on the streets, to be honored by others.

"Truly I tell you, they have received their reward in full.

"But when you give to the needy, do not let your left hand know what your right hand is doing, so that your giving may be in secret.

"Then your Father, who sees what is done in secret, will reward you."

Pero madalas itong nilalabag ng mga pulitikong may mga personal na interes kaya naka-broadcast at may mga publicity ang pagtulong nila sa mga kapus-palad.

Hindi namamalayan ng netizens na nagiging pamantayan na nila ang ganito. Naroong hinahanap-hanap na nila ang anunsiyo, paskel, post, at litrato ng pagbigay sa kapwa ng mga artista at ibang pang celebrity.

Samantala, dumarami naman sa mga artista at kilalang tao na mas ginagawang pribado at tahimik lamang ang pagtulong.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Zsa Zsa Padilla, Ai-Ai delas Alas, at Luis Manzano, naniniwalang hindi kailangang i-post sa social media ang pagtulong sa Taal evacuees.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results