Jo Koy, ipinagmalaki ang pag-escort ng mga hagad sa kanya sa Cebu City

by Jojo Gabinete
Jan 18, 2020
Ipinagmalaki ng Filipino-American stand-up comedian na si Jo Koy sa kanyang Twitter followers ang pag-e-escort sa kanya ng dalawang hagad papunta sa isang hotel sa Cebu City.
PHOTO/S: Jojo Gabinete / Twitter

Nakilala ang Filipino-American na si Joseph Glenn Herbert aka Jo Koy sa buong mundo dahil sa kanyang husay sa pagpapatawa.

Pero hindi nakakatawa para sa maraming netizens ang karanasang ikinuwento niya nang magpunta siya sa Cebu City kahapon, January 17, para sa kanyang Just Kidding World Tour show.

"Cebu Police escort cuts a 2-hour drive to my hotel into 15-minutes. I love the Philippines!" caption ni Jo Koy sa kanyang Twitter video na nagpapakita sa mga hagad na hinahawi ang kalsada para makadaan ang sinasakyan ng stand-up comedian at ng entourage nito.

Sa huling bahagi ng video ay pinuri ni Jo Koy ang dalawang hagad na nag-escort sa kanya.

“We’re in Cebu now and we got police escort get us through.

"This is crazy, right in the middle. That’s how you do it, bro.

“Two-hour drive and we got here fifteen minutes.

"We made it to Cebu for one reason, one reason only—this guy right here and that guy right there, you guys are the best," sabi ni Jo Koy habang ipinapakita ang mukha ng dalawang hagad na nag-escort sa kanya.

Continue reading below ↓

Todo naman ang pagkakangiti at pagtawa ng dalawang hagad na umalalay sa kanya.

Tila tuwang-tuwa sila dahil sa mga narinig na papuri na naibigay nila sa isang sikat na personalidad.

Pero tumanggap ng mga batikos si Jo Koy mula sa ilanng mgakababayan nating ikinumpara siya sa mga abusadong pulitiko na ginagamit ang kapangyarihan para makaiwas sa traffic.

Continue reading below ↓

"Kahihiyan sa mga Pilipino," "feeling entitled," "arrogance of privilege," "isang halimbawa ng pang-aabuso sa kapangyarihan," at "police corruption" ang ilan sa mga akusasyon kay Jo Koy.

Base sa kanyang pananalita, ngayon lamang nakaranas ng VIP treatment si Jo Koy dahil hindi uubra sa Amerika ang paggamit niya ng mga police escort.

Lalong hindi nakakatawa at nakakatuwa ang mga pulis na umalalay kay Jo Koy at sa entourage nito.

Ito ay dahil sa “exhibition” o paliko-liko at may kayabangang pagpapatakbo sa kanilang mga sinasakyang motorsiklo habang hinahawi ang mga sasakyan, gamit ang wang-wang, sa matrapik na kalsada sa Cebu City.

Kabilang si Jo Koy sa mga personalidad na pinarangalan sa Eastwood Walk of Fame at binigyan ng sariling star noong January 12.

Personal naming nasaksihan ang pagdating ni Jo Koy at ng kanyang sangkatutak na entourage sa Eastwood noong Linggo.

May mga nagreklamo laban sa mga kasama ni Jo Koy dahil pinagbawalan nila ang fans na magpakuha ng litrato kasama ang Fil-Am comedian habang nasa holding area ang lahat ng inductees bago nagsimula ang programa.

Continue reading below ↓

Noong January 14 ang schedule ng Just Kidding show ni Jo Koy sa Waterfront Cebu City Hotel & Casino.

Pero hindi natuloy dahil nakansela ang mga international at domestic flight sa Ninoy Aquino International Airport nang pumutok ang Taal Volcano.

Natuloy ang Cebu show ni Jo Koy kagabi, January 17.

Kabilang sa mga nanood ang magkasintahang sina Maine Mendoza at Arjo Atayde.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ipinagmalaki ng Filipino-American stand-up comedian na si Jo Koy sa kanyang Twitter followers ang pag-e-escort sa kanya ng dalawang hagad papunta sa isang hotel sa Cebu City.
PHOTO/S: Jojo Gabinete / Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results