Restaurants na pag-aari ng celebs sa Tagaytay, sarado pa rin

by Jojo Gabinete
Jan 20, 2020
Kabilang ang mga restaurant ng mag-asawang Chito Miranda at Neri Naig (kaliwa) at ng mga magulang ni Jolina Magdangal (kanan) sa Tagaytay City sa mga negosyong naapektuhan dahil sa pagputok ng Taal Volcano.
PHOTO/S: Instagram / Jojo Gabinete

TAGAYTAY CITY - Personal na pinuntahan ng Cabinet Files ngayong araw, January 20, ang Tagaytay City at Silang sa Cavite para personal na makita ang pinsalang idinulot ng pagsabog ng Taal Volcano noong January 12, 2020.

Nagbukas ang mga restaurant sa Tagaytay City noong Biyernes, January 17, pero muli itong ipinasara ngayon ng local government habang nakataas sa Alert Level 4 ang activity ng Taal Volcano.

Sinadya ng Cabinet Files ang mga restaurant na pag-aari nina Neri Naig at Chito Miranda, at ang Memory Lane na negosyo ng mga magulang ni Jolina Magdangal.

Sarado ang restaurant/bar nina Neri at Chito, pero malinis na ito kaya parang hindi naapektuhan ng ashfall.


Continue reading below ↓
Recommended Videos
Continue reading below ↓

Maayos na maayos na rin ang outdoor stage na pinagtatanghalan ni Chito.


Maganda ang location ng business establishment nina Chito at Neri dahil overlooking ito sa Taal Volcano kaya dinarayo ng mga kostumer.

Sarado ang Memory Lane, ang restaurant ng pamilya ni Jolina Magdangal, na nababalutan pa rin ng ashfall.

Continue reading below ↓



Continue reading below ↓

Bukas naman na ang Concha’s, ang restaurant ni Alden Richards sa boundary ng Sta. Rosa City at Silang, Cavite.

Nakasara ang lahat ng mga restaurant sa Twin Lakes Shopping Village na sakop ng Laurel, Batangas, kaya mali ang mga akala na bahagi iyon ng Alfonso, Cavite.

"Apektado rin po kami ng bulkan Taal" ang nakasulat sa karatula na ginawa ng mga biktima ng Taal Volcano eruption na humihingi ng tulong na nakita namin sa kahabaan ng Tagaytay-Nasugbu highway.


Continue reading below ↓

Ayon sa aming mga kausap, mga residente sila ng bayan ng Laurel na lumikas mula sa kanilang mga tahanan at nagpunta sa mas mataas na lugar para makaiwas sa silakbo ng bulkan.

Malaki naman ang pinsalang idinulot ng ashfall sa Silang, Cavite dahil namatay ang mga puno at ang mga pananim na pinya.


Continue reading below ↓


Pero isang himala na maituturing ang pag-usbong ng mga bagong dahon ng mga maliliit na puno na saging na tila simbolo ng death and life.


Continue reading below ↓


Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kabilang ang mga restaurant ng mag-asawang Chito Miranda at Neri Naig (kaliwa) at ng mga magulang ni Jolina Magdangal (kanan) sa Tagaytay City sa mga negosyong naapektuhan dahil sa pagputok ng Taal Volcano.
PHOTO/S: Instagram / Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results