Celebrity fans ng JaDine, nalungkot sa breakup nina James Reid at Nadine Lustre

by Jojo Gabinete
Jan 21, 2020
Ilang celebrity fans ng tambalang JaDine, nalungkot sa kumpirmadong breakup nina James Reid at Nadine Lustre.
PHOTO/S: Paul Basinillo Twitter / Mark Atienza

Hindi lamang ang avid fans ng JaDine love team ang nagluluksa sa paghihiwalay nina James Reid at Nadine Lustre.

Nagpahayag din ng kalungkutan ang ilang showbiz personalities, kabilang ang concert director na si Paul Basinillo, ang singer na si Jed Madela, at ang TV host na si Robi Domingo.

Si Paul ang direktor ng JaDine In Love concert sa Smart Araneta Coliseum noong February 20, 2016.

Para kay Paul, isang malaking karangalan na siya ang pinagkatiwalaan ni James nang magpasya itong aminin sa publiko na may relasyon na sila ni Nadine sa gabi ng JaDine In Love concert.

"Memories will never fade. Thank you Jadine," reaksiyon ni Paul tungkol sa JaDine breakup.

Continue reading below ↓

Apektado rin si Jed Madela sa split-up nina James at Nadine dahil sa kanyang sariling salita, "faney" rin siya ng JaDine.

Rebelasyon ng singer: “Ganun ba ako ka-affected na nanonood ako ng OTWOL clips ngayon? Oo... faney din ako."

Muling nag-post ang Kapamilya singer ng kanyang video habang kinakanta ang "On The Wings of Love," ang official soundtrack ng On The Wings of Love, ang primetime series ng JaDine na napanood sa ABS-CBN mula August 2015 hanggang February 2016.

Continue reading below ↓

"OTWOLISTA forever" naman ang caption ni Robi sa kanyang video habang tinutugtog niya sa piano ang "On The Wings of Love."

Continue reading below ↓

STILL IN DENIAL

Sa kabila ng kumpirmasyon nina Nadine at James na hiwalay na sila, in denial pa rin ang ilan sa kanilang loyal fans na hindi matanggap ang katotohanan at naniniwalang may forever.

Ang loyal JaDine fans ang bumatikos nang husto sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang ilabas nito noong January 1, 2020 ang report na break na sina James at Nadine.

Para sa kanila, isang fake news ang report na inilathala ng PEP.ph.

Normal lang sa livid fans na masaktan at maging bulag sa katotohanan dahil sa kanilang sobrang adulation kina James at Nadine.

Pero dapat isaalang-alang nilang hindi maglalakas-loob ang PEP.ph na maglabas ng mga balitang walang mga matibay na ebidensiya.

Naranasan ng Cabinet Files na maging biktima ng walang katuturang bashing, pero hindi kami nagpaapekto dahil bahagi ito ng occupational hazard.

Kampante ring kaming lalabas naman ang buong katotohanan sa tamang panahon.

Isa lang ang nakakabahala sa amin.

Continue reading below ↓

Ito ay ang “Anu na 2020 Na!" na sagot ni Nadine Lustre kay Ricky Lo nang i-quote ng The Philippine STAR entertainment editor sa kanyang January 4, 2020 column ang report ng PEP.ph tungkol sa JaDine breakup.

Itinuturo sa paaralan ang wastong palatitikan at alam ng mga eksperto sa Pilipino na "ano" at hindi "anu" ang correct spelling ng panghalip na pananong o interrogative pronoun.

Marami ang mga kabataang umiidolo kay Nadine na posibleng naniwalang tama ang spelling niya sa "ano" dahil role model ang turing sa kanya.

Marami ang natuwa at pumuri sa pagsagot ni Nadine kay Ricky, pero walang pumuna sa maling spelling ng salitang Tagalog na ginamit niya.

Hindi nag-iisa si Nadine sa mga artistang nagkakamali sa palatitikan.

Marami sa kanila na ipinu-post sa social media accounts nila ang literal na pagbigkas, at hindi sa wastong paraan, ang mga salita.

Ginagawa nilang “tutoo” ang totoo at “anu” ang ano.

Continue reading below ↓

Naghahatid ito ng kilabot sa mga dalubhasa sa wikang Pilipino na lubhang nalulungkot sa lumalala at maling paggamit ng mga kabataang Pilipino sa ating sariling wika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ilang celebrity fans ng tambalang JaDine, nalungkot sa kumpirmadong breakup nina James Reid at Nadine Lustre.
PHOTO/S: Paul Basinillo Twitter / Mark Atienza
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results