Issa Pressman, pinagbibintangang third party sa James Reid-Nadine Lustre breakup

by Jojo Gabinete
Jan 22, 2020
Issa Pressman, hindi pa nagbibigay ng pahayag tungkol sa pagkakadawit ng kanyang pangalan sa JaDine breakup.
PHOTO/S: Issa Pressman Instagram / Mark Atienza

Trending ngayon sa social media ang pangalan ni Issa Pressman dahil siya ang pinagbibintangan ng ilang netizens na third party sa breakup nina James Reid at Nadine Lustre.

Ito ay kahit sinabi nina James at Nadine sa kanilang joint official statement na naghiwalay sila dahil sa desisyon nilang mag-focus sa sarili, career at, higit sa lahat, sa personal growth.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag si Issa tungkol sa pagkakadawit ng kanyang pangalan sa JaDine breakup.

Limitado na rin ang comments sa kanyang Instagram account para marahil makaiwas sa mga basher na naniniwalang siya ang third party sa pinag-uusapang pagkabuwag ng JaDine love team—sa reel at sa real life.

Fake news naman ang kumakalat na magkasama sina James at Issa sa Amsterdam.

Wala itong katotohanan.

Totoong nagbabakasyon si Issa sa Amsterdam, Netherlands; nasa Los Angeles, California, si James.

Dumiretso si James sa California matapos ng pictorial nila ni Nadine sa Brazil para sa isang fashion magazine.

Continue reading below ↓

Si Issa ang nakababatang kapatid ni Yassi Pressman, at contract star din ng Viva Artists Agency.

Si Derrick Monasterio ang ex-boyfriend ni Issa.

THE ISSA PRESSMAN-JAMES REID CONNECTION

Kinokonekta ang pangalan ni Issa kay James dahil sa isang leaked video noong second week ng December 2019 na kuha sa isang kasiyahan sa Boracay.

Dito ay maaaninag na niyayakap at hinahalikan ni James si Issa habang katabi lang nila si Nadine.

Ipinadala ng isang concerned JaDine fan ang video sa ama ni Nadine, na si Ulysses Lustre.

Kumalat din ang video na ito sa Twitter.

Ito ang post ng isang JaDine follower:



Ito naman ang nag-viral na video:

Continue reading below ↓

ISSA PRESSMAN-MARGA BERMUDEZ RELATIONSHIP

Noong November 2018, ginulat ni Issa ang marami nang umamin itong kapwa babae ang kanyang karelasyon—ang musician na si Marga Bermudez.

Sa interview noon kay Issa, sinabi nitong hindi siya nahirapang aminin sa kanyang pamilya ang sexual orientation niya.

“For them, it was just, ‘If you’re happy with what you’re doing, if you think that what you’re doing is something that would make you happy, could make you happy, then go ahead,’” saad ni Issa.

Continue reading below ↓

Masaya si Issa noon dahil parehong suportado ng pamilya nila ni Marga ang kanilang relasyon.

Pero gaya ng kantang "Some Good Things Never Last" ni Barbra Streisand, na akma rin sa relasyon nina James at Nadine, hindi rin nagtagal ang pagsasama nina Issa at Marga dahil nauna pa silang maghiwalay kesa sa JaDine love team.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Issa Pressman, hindi pa nagbibigay ng pahayag tungkol sa pagkakadawit ng kanyang pangalan sa JaDine breakup.
PHOTO/S: Issa Pressman Instagram / Mark Atienza
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results