Pagbalik ni James Reid sa TV series nila ni Nancy McDonie, senyales na break na sila ni Nadine Lustre

by Jojo Gabinete
Jan 21, 2020
Binawi ni James Reid ang kanyang desisyong mag-backout sa proyektong pagsasamahan nila ng Momoland member na si Nancy McDonie (kanan). Isa itong palatandaang hiwalay na ang aktor kay Nadine Lustre (kaliwa), na nangamba noong makakaapekto sa JaDine love team ang tambalan nina James at Nancy.
PHOTO/S: Rose Garcia / Dreamscape Instagram

Ang pagbawi ni James Reid sa kanyang desisyong huwag nang gawin ang The Soulmate Project, na pagtatambalan nila ni Nancy McDonie ng Momoland, ang isa sa matibay na palatandaang hiwalay na sila ni Nadine Lustre.

Ito ay bago pa man kinumpirma ng dalawa ang kanilang breakup sa January 20 edition ng Tonight With Boy Abunda.

May product endorsement shoot si Nadine kahapon, habang nasa California naman si James nang basahin ni Boy Abunda sa late-night talk show nito ang official joint statement ng ex-couple kagabi.

Nag-backout si James bilang leading man ni Nancy sa The Soulmate Project dahil sa pangamba ni Nadine na baka makaapekto sa kanilang love team ang TV series project ng Dreamscape Entertainment.

Ang James-Nancy teamup ang dahilan ng October 9, 2019 cryptic post sa Facebook ni Ulysses Lustre, ang ama ni Nadine na nakisimpatiya sa kanyang anak dahil dinamdam nito nang husto ang pagtatambal nina James at Nancy.

Continue reading below ↓

Mensahe noon ng ama ni Nadine: “Facebook says, ‘What’s on your mind?’ I guess it means that I’m entitled to rant, once in a while.

"Here it goes: I’m a Flop and you’re High Gross, what are you afraid of? You feel so threatened, you’re desperate to break US apart.

"I hope someday you get what you deserve. What comes around goes around."

Ang akala ng karamihan, patungkol kay Kathryn Bernardo ang cryptic post ng ama ni Nadine.

Pero lumitaw ang katotohanang para sa ABS-CBN ang patutsada nito dahil sa kanyang akalang dinadahan-dahan ng network management ang pagbuwag sa JaDine love team kaya ipinapareha si James kay Nancy.

"At last someone finally understood," sagot ni Ulysses sa JaDine supporter na nakiusap sa ama ni Nadine na ipa-realize kay James na dahan-dahan ang aksiyon ng ABS-CBN na buwagin ang JaDine love team.

Sa interview ni Nadine sa Tonight With Boy Abunda noong November 1, 2019, sinabi nitong nagkausap na sila ng kanyang ama tungkol sa isyu.

Continue reading below ↓

Pahayag ng Viva actress, "I'm not my dad so we don't have the same brain, we don't think alike.

"Kung sino man iyong na-offend niya or nasaktan niya by what he said, ako, humihingi na po ako ng paumanhin.

"But I talked to him about it, and I told him that it wasn't right."

Nang ilabas ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang scoop story na hiwalay na sina James at Nadine, noong January 1, 2020, pinakiusapan ng JaDine fans si Ulysses na ipagtanggol ang kanyang anak at magsalita na walang katotohanan ang balita.

Pero piniling manahimik ng ama ni Nadine.

Apat na araw matapos i-publish ng PEP.ph ang paghihiwalay nina Nadine at James, ipinarating ni James sa ABS-CBN management ang pagnanais niyang bumalik sa TV series na pagsasamahan nila ni Nancy.

Ito ang dahilan kaya hindi na natuloy ang participation ni Joshua Garcia, na napipisil na ipalit kay James bilang lead actor ng The Soulmate Project.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Binawi ni James Reid ang kanyang desisyong mag-backout sa proyektong pagsasamahan nila ng Momoland member na si Nancy McDonie (kanan). Isa itong palatandaang hiwalay na ang aktor kay Nadine Lustre (kaliwa), na nangamba noong makakaapekto sa JaDine love team ang tambalan nina James at Nancy.
PHOTO/S: Rose Garcia / Dreamscape Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results