Showbiz personality, nagpapakalat ng "fake news" sa advertisers at TV network

by Jojo Gabinete
Jan 23, 2020
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

Sunud-sunod ang mga problemang kinakaharap ngayon ng isang showbiz personality.

Pero ayon sa showbiz insiders na nakakakilala sa showbiz personality, ito rin ang dapat sisihin dahil sa kawalan ng utang na loob at respeto sa kapwa.

Dati nang may personal issues ang showbiz personality, pero nadagdagan ang mga pasanin nito sa buhay dahil sa kanyang desisyong siya na ang mag-manage sa kanyang showbiz career.

Isa-isang tinatawagan ng showbiz personality sa telepono ang mga kompanya ng kanyang product endorsements.

Ito ay para sabihing siya na ang direktang kausapin dahil iniwanan na niya ang talent management agency na nagpasikat sa kanya at namahala sa career niya.

Ipinaalam din ng showbiz personality sa management ng isang TV network na umalis na siya sa talent management agency, kaya siya na ang makikipag-usap at masusunod kung may mga project para sa kanya.

Hindi nagtagumpay ang showbiz personality sa pag-aalok sa sarili at pagtatawag nang diretso sa advertisers at management ng TV network.

Continue reading below ↓

Alam ng advertisers, na may magandang relasyon sa talent management agency na namamahala sa career ng showbiz personality, na hindi pa expired ang kasunduan, o exclusive contract, sa pagitan ng magkabilang-panig.

Alam din ng advertisers at ng TV network management na fake news ang ikinakalat ng showbiz personality, na tuliro dahil sunud-sunod ang mga problemang dumarating sa kanya.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Ang sarili ang dapat sisihin ng showbiz personality sa mga malungkot na pangyayari sa buhay niya dahil, bukod sa walang respeto sa kapwa, hindi siya marunong tumanaw ng utang na loob mula sa mga taong nag-ahon sa kanya sa kahirapan at instrumento para matupad ang lahat ng mga pangarap niya.

Ang paggalang ng entertainment press sa talent management agency na namamahala sa career ng showbiz personality ang dahilan kaya matagal napagtakpan ang kanyang magaspang na ugali, na lalong tumindi nang pumasok sa isip niyang untouchable siya dahil sa popularidad na tinatamasa.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results