Ama ni Jolina Magdangal, sinisingil ng P25K para malinis ang abo sa pag-aaring Tagaytay resto

by Jojo Gabinete
Jan 23, 2020
Ama ni Jolina Magdangal na si Jun, naglabas ng saloobin bilang isa sa mga apektado ang kabuhayan sa Tagaytay dahil sa pagputok ng bulkang Taal.
PHOTO/S: Screen grab from Magandang Buhay

Sarado at nababalutan ng abo ang Memory Lane nang puntahan ito ng Cabinet Files noong Lunes, January 20.

Ang Memory Lane ang restaurant sa Tagaytay City na pag-aari ng mga magulang ni Jolina Magdangal, sina Jun at Paulette Magdangal.

Ang ama ni Jolina na si Jun ang isa sa mga special guest ng ABS-CBN morning talk show na Magandang Buhay, nitong Huwebes, January 23.

Dito siya nagkuwentonag ng mga karanasan nila sa hindi inaasahan na pag-aalburoto ng Taal Volcano noong January 12.

Kinumpirma ni Jun na sarado pa rin ang kanilang restaurant.

Hindi pa raw nila ito naipapalinis dahil PHP25,000 ang sinisingil sa kanila, para maalis ang ashfall sa bubong ng Memory Lane.

"Everything is uncertain. Ang masakit niyan kasi, siyempre, yung retirement money namin ni Misis, nandiyan sa Memory Lane.

"'Tapos yung bahay namin doon, yung family earnings, nandoon na rin. Yun ang isang mahirap.

"Pero sasabihin mo, suwerte pa rin kami kasi walang harm... considering na yung buhay namin at buhay nung mismong natabunan yung bahay sa Batangas, e, talagang nothing compared...

Continue reading below ↓

"But the thing is, kumbaga, lahat kami ngayon—Cavite, Batangas, Tagaytay—talagang worried kami what will happen to the future."

Malungkot man si Jun sa sinapit ng kabuhayan nilang mag-asawa, naniniwala siyang kailangang sundin ang payo ng mga eksperto pagdating sa sitwasyon ng bulkang Taal.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Partikular na rito ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

"We have to listen to Phivolcs kasi sila lang ang authority who can tell you what to do, what will happen, what might happen," payo ni Jun.

Mayroon kasi tayong ibang mga kababayan na nagpupumilit balikan ang kanilang mga tahanan, sa mga bayan na ni-lockdown ng Batangas Disaster Risk Reduction and Management for safety purposes.

Pero sinusuway ito ni Talisay Vice Mayor Charlie Natanauan, na hinihikayat ang constituents niyang bumalik na sa mga bahay nila, sa kabila ng mga nakaambang panganib sa lugar.

Ang katigasan ng ulo na ipinamamalas ni Natanauan ang dahilan kaya kinastigo ito ni Calabarzon Police Chief Brig. Gen. Vicente Danao Jr.

Continue reading below ↓

"Kay Vice Mayor po ng Talisay, nakikiusap po ako sa inyo bilang isang vice mayor ng lungsod o ng isang town diyan na, please, tumulong po kayo. Huwag na po kayo mag-udyok na pabalikin iyan.

"Kasi po, pag iyan ay may nangyari, dahil sa pag-uudyok ninyo, kapag nakita pa kitang buhay, iaalay kita sa bulkan na ‘yan."

Mahigpit ang pagpapabantay ng police authorities sa mga bayan ng Batangas na sakop ng 14-kilometer radius ng Taal Volcano.

Pero may mga nakakalusot pa rin, tulad ng isang local male resident na nagawa pang lumapit sa mismong bunganga ng pumutok na bulkan.

Kumakalat ngayon ang video ng mapangahas na lalaki na hindi gumamit ng mask habang ipinapakita ang crater ng bulkan na natuyuan ng tubig at ang mga malulusog na puno na namatay.


Continue reading below ↓

"Pang-National Geographic" ang reaksiyon ng mga nakapanood sa "Taal Volcano tour" video ng matapang na lalaki, na hindi alintana ang panganib na posibleng mangyari dahil sa kapangahasan niya.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ama ni Jolina Magdangal na si Jun, naglabas ng saloobin bilang isa sa mga apektado ang kabuhayan sa Tagaytay dahil sa pagputok ng bulkang Taal.
PHOTO/S: Screen grab from Magandang Buhay
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results