Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Birthday presentation ni Willie Revillame sa Wowowin, ilalaan para sa Taal victims

by Jojo Gabinete
Jan 27, 2020
Ilalaan ni Willie Revillame ang kabuuan ng kanyang birthday presentation sa Wowowin ngayong araw, January 27, para sa lahat ng mga biktima ng pagputok ng Taal Volcano.
PHOTO/S: Screengrab from Wowowin

Tinupad ni Willie Revillame ang pangakong sasabihin niya sa PEP.ph readers ang mga mangyayari sa live broadcast ng kanyang birthday presentation sa Wowowin ngayong Lunes ng hapon, January 27.

Inulit ni Willie ang kanyang pahayag na nakalaan para sa mga kababayan natin sa Batangas at Cavite, na biktima ng pagputok ng Taal Volcano noong January 12, ang isa't kalahating oras ng toprating game show niya sa GMA-7.

Kinumpirma ni Willie ang unang report ng Cabinet Files na walang studio audience sa live telecast ng Wowowin ngayong hapon dahil punumpuno ang lugar ng relief goods, na tulong-tulong na ibabalot ng halos lahat ng mga artista ng Kapuso Network.

Sina Rachelle Ann Go, Marcelito Pomoy, Gerphil Flores, at Julie Anne San Jose ang invited performers ni Willie.

Maghahatid ang apat ng inspirational songs para sa Wowowin viewers.

Ikinuwento ni Willie na dapat abangan ang closing production number ng kanyang programa dahil sama-sama nilang kakantahin ang "May Bukas Pa."

Continue reading below ↓

Nabanggit din ni Willie ang pagkikita nila ni Kris Aquino at ang pagbisita nito sa Wowowin studio kahapon, January 26.

Nagpunta si Kris sa studio dahil nagdala siya ng mga donasyon para sa Taal Volcano victims.

"Nagbigay siya ng mga sardinas at mga personal hygiene kit. Si Bimby lang ang kasama niya dahil may sakit si Joshua,” ani Willie.

Continue reading below ↓
Recommended Videos
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ilalaan ni Willie Revillame ang kabuuan ng kanyang birthday presentation sa Wowowin ngayong araw, January 27, para sa lahat ng mga biktima ng pagputok ng Taal Volcano.
PHOTO/S: Screengrab from Wowowin
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results