LeBron James, pinagluluksa ang kamatayan ni Kobe Bryant; Pinoy fans, nagbigay-pugay sa NBA legend

by Jojo Gabinete
Jan 28, 2020
(Kaliwa) Isang emosyonal na mensahe ang ibinahagi ni LeBron James sa Instagram para sa pumanaw na kaibigan at kapwa NBA legend na si Kobe Bryant; (kanan) inilawan ng kulay purple at gold ang isang mall sa Taguig City bilang pagbibigay-pugay sa yumaong NBA player.
PHOTO/S: Instagram

Hindi nagpahuli ang mga Pinoy sa pagbibigay-pugay at parangal sa basketball icon na si Kobe Bryant.

Sumakabilang-buhay si Kobe, sa edad na 41, dahil sa pagbagsak sa Calabasas, California ng helicopter na sinakyan nila ng kanyang 13-year-old daughter na si Gianna, at pitong iba pa, noong January 26 (U.S. time).

Noong Lunes ng gabi, January 27, namangha ang lahat ng mga nakakita sa mga ilaw na kulay purple at gold ng Uptown Mall sa Taguig City; ang Eastwood Mall sa Libis, Quezon City; ang SM Seaside sa Cebu; at ang globe sa Mall of Asia na may imahe at jersey numbers (8 and 24) ng pumanaw na American basketball player.

Continue reading below ↓
Recommended Videos
Continue reading below ↓

Ang purple at gold ang official colors ng Los Angeles Lakers, ang basketball team na kinabibilangan ni Kobe noong aktibo pa ito sa paglalaro sa NBA.

Nagtipon-tipon naman sa Green gate ng Smart Araneta Coliseum kagabi ang fans ni Kobe na suot ang kanilang Lakers jerseys at T-shirts nang mag-alay ng mga bulaklak, nagdasal, at nagsindi ng kandila para sa kapayapaan ng kaluluwa ng sikat na American basketball player.

Continue reading below ↓

LEBRON JAMES PAYS TRIBUTE TO KOBE BRYANT

Lunes ng gabi (U.S. time), isiniwalat ng kapwa basketball superstar na si LeBron James ang saloobin tungkol sa shocking death ni Kobe, isa sa mga pinakamalapit sa kanya at itinuturing niyang parang kapatid.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram post, ikinuwento ni LeBron na nakausap pa niya si Kobe noong Linggo ng umaga, January 26, ilang oras bago naganap ang trahedyang ikinabigla ng buong mundo.

Emosyonal na mensahe ni LeBron para sa pumanaw na kaibigan:

"I’m Not Ready but here I go. Man I sitting here trying to write something for this post but every time I try I begin crying again just thinking about you, niece Gigi and the friendship/bond/brotherhood we had! I literally just heard your voice Sunday morning before I left Philly to head back to LA.

"Didn’t think for one bit in a million years that would be the last conversation we’d have. WTF!! I’m heartbroken and devastated my brother!!

Continue reading below ↓

"Man I love you big bro. My heart goes to Vanessa and the kids. I promise you I’ll continue your legacy man! You mean so much to us all here especially #LakerNation and it’s my responsibility to put this shit on my back and keep it going!!

"Please give me the strength from the heavens above and watch over me! I got US here! There’s so much more I want to say but just can’t right now because I can’t get through it! Until we meet again my brother!"

Continue reading below ↓

JAY SONZA HITS DZMM

Lingid sa kaalaman ni LeBron, nadamay ang kanyang pangalan sa isang insidente na nangyari sa Pilipinas.

Hindi sinasadyang ang pangalan ni LeBron ang nailagay ng DZMM sa social media post nito tungkol sa pagkamatay ni Kobe.

Ang netizens na matatalas ang paningin at ang former DZMM broadcaster na si Jay Sonza, na isa mga kritiko ngayon ng ABS-CBN, ang ilan sa mga nagpahayag ng pagkadismaya sa hindi sinasadyang pagkakamali ng staff ng nabanggit na AM station.

Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Kaliwa) Isang emosyonal na mensahe ang ibinahagi ni LeBron James sa Instagram para sa pumanaw na kaibigan at kapwa NBA legend na si Kobe Bryant; (kanan) inilawan ng kulay purple at gold ang isang mall sa Taguig City bilang pagbibigay-pugay sa yumaong NBA player.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results