Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Sharon, Regine, Dingdong, Anne, Bela tampok sa mga pelikulang handog ng Viva Films ngayong 2020

by Jojo Gabinete
Jan 28, 2020
Kabilang ang mga sumusunod na pelikula na ire-release ng Viva Films ngayong 2020: Sunny, starring Sharon Cuneta and Regine Velasquez; A Hard Day, starring Dingdong Dantes and John Arcilla; 100 Tula Para Kay Stella 2, starring Bela Padilla and JC Santos; at Walang Ka-Paris, starring Alessandra de Rossi and Empoy Marquez.

Hindi naniniwala si Viva Entertainment big boss Vic del Rosario sa sinasabi ng iba na namamatay na ang local movie industry, kaya patuloy ang paggawa ng mga pelikula ng kanyang film company.

Tatlumpo’t apat na pelikula ang nakatakdang i-release ng Viva Films ngayong 2020, at 15 sa kanilang mga proyekto ang natapos na at hinihintay na lamang na ipalabas sa mga sinehan.

Pormal na inilunsad sa Novotel nitong Lunes ng gabi, January 28, ang 2020 Viva Vision—mga pelikulang gagawin ng Viva Films.

Nariyan ang nakuha ng Viva Films ang karapatan para isapelikula ang Philippine adaptation ng 2011 Korean movie na Sunny, na pagbibidahan nina Sharon Cuneta at Regine Velasquez.

Ang Sunny ay tungkol sa isang middle-aged woman na gustong tuparin ang dying wish ng isang kaibigan na muli silang magkasama-sama ng kanilang high school friends.

Si Dingdong Dantes naman ang bida sa A Hard Day, ang Filipino version ng 2014 blockbuster South Korean action thriller na kumita sa takilya ng US$24 million.

Continue reading below ↓

Sinabi ni Viva Films executive Vincent del Rosario na plano nilang isali sa Metro Manila Summer Film Festival sa April 2020 ang A Hard Day; pati na rin ang Tililing, ang second movie project ni Darryl Yap, ang direktor ng monster hit na Jowable.

Si Dingdong din ang napili ng Viva Films para magbida sa movie version ng Joaquin Bordado, na naging primetime action-drama series ng GMA-7.

Si Robin Padilla ang lead star ng Joaquin Bordado noong napanood ito sa telebisyon noong 2008.

Nagbiro si Bela Padilla na papalitan na nito ng "Viva Padilla" ang kanyang pangalan dahil sa mga pelikulang gagawin niya sa Viva Films.

Ito ay ang sequel ng 100 Tula Para Kay Stella, na muli nilang pagsasamahan ni JC Santos; The Wedding Breaker; Spellbound; at ang Ultimate Oppa na pagtatambalan nila ng Korean actor na si Kim Gun-Woo.

Isisilang pa lang ni Anne Curtis ang panganay nila ni Erwan Heussaff sa March 2020, pero meron nang movie project na naghihintay sa kanya.

Continue reading below ↓

Ito ay ang The Devoted na co-production venture ng Viva Films at ng The Idea First Company.

Definitely, taon ni Janno Gibbs ang 2020 dahil sunud-sunod ang mga movie project niya sa kanyang home studio—ang A Hard Day, Pak-Boys, Mang Jose, at ang Philippine adaptation ng 2013 Mexican drama-comedy film na Instructions Not Included na pagbibidahan nila ni Xia Vigor.

Reunited sina Empoy Marquez at Alessandra de Rossi sa Walang Ka-Paris, na kukunan ang lahat ng mga eksena sa Paris, France.

Si Alessandra ang co-star ni Bela sa Wedding Breaker.

Ang Love The Way You Lie ang upcoming movie ni Xian Lim sa Viva Films, at sina Alex Gonzaga at Kylie Verzosa ang co-stars niya sa project na mala-Ghost ang tema.

Magiging visible si Xian sa mga susunod na araw dahil sa promo ng Untrue, ang suspense-drama-thriller movie nila ni Cristine Reyes, na may playdate sa February 19, 2020.

Continue reading below ↓

MOVIE PROJECTS FOR NADINE

Tinanong si Boss Vic tungkol sa movie projects na ibibigay niya kay Nadine Lustre, na nagdeklarang wala na siya sa bakuran ng Viva Artists Agency..

Sagot niya: "Actually, may seven movies pa siyang kontrata.

"Yung Miracle in Cell No. 7, tinanggihan niya, so napalitan siya ni Bela."

Dapat sa kanya yung role na yun. Mabuti naman, natanggap ni Bela.

"Meron kaming in-offer.

"Dun naman sa kontrata, puwede siyang mag-no dahil yung kontrata namin, puwedeng mag-reject ang artista pag hindi nila type.

"Pero yung bawal lang, bawal lumabas sa iba."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kabilang ang mga sumusunod na pelikula na ire-release ng Viva Films ngayong 2020: Sunny, starring Sharon Cuneta and Regine Velasquez; A Hard Day, starring Dingdong Dantes and John Arcilla; 100 Tula Para Kay Stella 2, starring Bela Padilla and JC Santos; at Walang Ka-Paris, starring Alessandra de Rossi and Empoy Marquez.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results