Mikael Daez, nilinaw na hindi sikreto ang kasal nila ni Megan Young

by Jojo Gabinete
Jan 29, 2020
Mikael Daez on two weddings with Megan Young: "Wala kaming sinasabi na, 'Wait lang.' Siyempre we say, 'Please respect our decision,' and then, come what may na lang. The decision was not to hold an intimate wedding."
PHOTO/S: @mymetrophoto via @meganbata Instaram

As expected, ang dalawang beses na pagpapakasal nila ni Megan Young—noong January 10 at January 25—ang itinanong kay Mikael Daez sa press conference ng Love of My Life.

Ginanap sa 17th floor ng GMA Network Center kagabi, January 28, ang presscon ng bagong primetime series na papalit sa timeslot ng One of the Baes.

Itinuwid ni Mikael ang maling akalang inilihim nila ni Megan sa publiko ang importanteng okasyon sa kanilang buhay.

Sinabi ni Mikael na wala lamang silang urge o desire ni Megan na ipaalam sa mga tao ang pagpapakasal nila.

"Alam naman ng mga supplier, ang dami naming dapat kausapin para gawin, at hindi naman kami natakot.

"Wala kaming sinasabi na, 'Wait lang.'

"Siyempre we say, 'Please respect our decision,' and then, come what may na lang.

"The decision was not to hold an intimate wedding.

"The decision was let’s have a wedding na gusto namin.

"Nagkataon lang pala na yung gusto namin, ganoong karaming tao lang, sila lang pala.

Continue reading below ↓

"Kung anuman yung nangyari, yung food, yun ang ginusto namin.

"Yung music, yun ang ginusto namin.

"And then, nilagyan na lang ng tao na, 'Ah, intimate wedding pala yun.'"

Unang ikinasal sina Megan at Mikael noong January 10 sa Caleruega Church sa Nasugbu, Batangas.

Pangalawa, noong January 25 sa San Rafael Chapel sa Subic, Zambales.

Ang Caleruega Church wedding ang may marriage contract.

Wedding celebration naman ang nangyari sa San Rafael Chapel.

Ayon kay Mikael, sampu lamang ang invited guests sa intimate wedding nila ni Megan sa Caleruega Church, at hindi pa nakapunta ang lahat ng mga kapatid niya.

"January 25 was the celebration.

"Yung dalawa kong sisters, hindi nakapunta dahil may prior commitment.

"Sabi ko sa kanila, it’s okay. Huwag na silang ma-pressure. Na-stress pa sila.

"Sabi ko, 'No. It’s okay. You’ll gonna be there on January 25. Yun ang importante para sa amin.'"

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mikael Daez on two weddings with Megan Young: "Wala kaming sinasabi na, 'Wait lang.' Siyempre we say, 'Please respect our decision,' and then, come what may na lang. The decision was not to hold an intimate wedding."
PHOTO/S: @mymetrophoto via @meganbata Instaram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results