GMA News reporter Chino Gaston, nababash sa hindi pag-rescue sa aso sa Taal

by Jojo Gabinete
Jan 30, 2020
GMA News reporter Chino Gaston (right) draws the ire of netizens for not rescuing an abandoned dog from Taal Volcano island in Batangas.
PHOTO/S: Chino Gaston on Facebook

Ilang araw na ang nakalilipas mula nang iulat ng GMA News reporter na si Chino Gaston ang pagiging hostile ng mga hayop na naiwan sa Taal Volcano island, pero patuloy pa rin siyang nakatatanggap ng batikos mula sa netizens.

Sa report ni Chino sa 24 Oras, ipinakita niya ang video ng pagwawala ng mga baka habang sapilitang inililikas mula sa isla ng Taal Volcano ng mga nagmamay-ari sa kanila.

Ayon kay Chino, nagka-trauma ang mga hayop dahil sa mga naranasan matapos sumabog ang Bulkang Taal noong January 12.

Dala ng trauma, halos hindi na umano nakikilala ng mga hayop ang mga nagmamay-ari sa kanila.

Pero ang report ni Chino tungkol sa isang asong naiwan sa isla ang pumukaw sa interes at atensiyon ng maraming netizens.

Ang aso, makikitang malungkot na nakatanaw sa papalayong bangka na sinasakyan ni Chino.

Nitong January 27, ipinost ni Chino sa kanyang Facebook account ang litrato ng naturang aso.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Sa comments section, pinutakti ng mga negatibong komento ang GMA News reporter.

Ang isang netizen, direktang tinanong si Chino kung bakit hindi niya ni-rescue ang aso.

Pinaratangan si Gaston na "walang puso" at "walang malasakit" dahil sa kanyang naging reply.

Sagot ni Chino (published as is): “Pano if it bites me and others on the boat?”

Continue reading below ↓

Sa patuloy na pagbatikos ng netizen, sumagot uli ang reporter: “lika isama kita dito ikaw sumagip sa kanya.”

Continue reading below ↓

Hindi nagustuhan ng ilang netizens ang paraan ng pagsagot ni Chino, kaya naman hanggang ngayon ay tumatanggap siya ng katakut-takot na batikos.

Ikinumpara rin ng bashers si Chino sa ABC News reporter na si Julia Wilson.

Noong September 2018, inihinto ni Julia ang kanyang Facebook Live reporting para iligtas ang isang aso mula sa lampas-tuhod na baha na hatid ng Hurricane Florence, sa New Bern, North Carolina.

Pero kung marami ang bumabatikos kay Chino, may mga nagtatanggol din sa kanya.

Giit ng ibang netizens, tumulong ang reporter sa pagtuturo sa rescuers sa kinaroroonan ng mga hayop na naiwan sa isla ng Taal Volcano.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
GMA News reporter Chino Gaston (right) draws the ire of netizens for not rescuing an abandoned dog from Taal Volcano island in Batangas.
PHOTO/S: Chino Gaston on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results