Dingdong Dantes, posibleng naging sundalo kung hindi naging artista

by Jojo Gabinete
Jan 31, 2020
Dingdong Dantes on unsung heroes: "Bukod sa kanilang dedikasyon sa bayan at serbisyo, nandoon din ang conflict na, 'Ano yung uunahin ko, yung pangako ko sa bandila o yung pag-ibig?' Lahat tayo, pagdadaanan natin yung ganoong klaseng crossroads, e."
PHOTO/S: GMA Network Facebook

Kung hindi artista si Dingdong Dantes, malaki ang posibilidad na naging sundalo siya tulad ng kanyang yumaong lolo na si Brigadier General Jose Sixto Dantes Sr.

Ito ang ipinagtapat niya sa presscon ng Philippine adaptation ng Descendants of the Sun, ang bagong primetime series ng GMA-7 na mapapanood simula sa February 10.

Lahad ni Dingdong, "Growing up, yung values na na-instill sa akin ay isang pamilya ng military men, dahil yung grandfather ko, hindi ko na siya naabutan because he passed away a year before I was born.

"Siya yung original na Sixto, so he retired a colonel, and nung namatay siya, naging general.

"That’s how it is, kapag nag-retire ka, you’re given a rank higher.

"So, dun nag-umpisa, hanggang sa yung mga kapatid ng tatay ko, pumasok din.

"Growing up, parang naging idol ko sila.

"One of these days, sabi ko, magsilbi rin ako.

"Kahit na civilian ka, kahit may ibang propesyon ka, if you are a reservist, you can also serve in that capacity, but as a volunteer."

Continue reading below ↓

Na-promote si Dingdong bilang lieutenant commander ng Philippine Navy noong Lunes, January 27.

TAILOR-MADE ROLE

Noong 2006, nag-training si Dingdong bilang marine reservist, kaya puwedeng sabihin talagang tailor-made sa kanya ang karakter niya sa Descendants of the Sun.

Halata sa boses ni Dingdong ang excitement nang magkuwento siya tungkol sa challenging scenes na ginawa niya para Tagalog version ng sikat na Koreanovela.

"May kukunan kaming eksena na iconic, siyempre bago gawin yun, talagang kami, pinapanood muna namin sa tent.

"'Paano kaya nila ginawa yun? Paano natin gagawin?'

"Mahirap siya dahil may opportunity na ikumpara sa original na, minsan, sinasadya namin talaga na gayahin to pay homage to the original.

"Halimbawa, yung mga scarf, yung mga ganoong eksena.

"Ako, fan talaga ako ng Descendants of the Sun.

"Gusto ko, nandoon yun, kasi kung wala, hindi na Descendants yun. And then, we add."

Ang Korean actor na si Song Joong Ki ang lead actor ng original Descendants of the Sun.

Continue reading below ↓

Kung sakaling magkakaroon sila ni Dingdong ng pagkakataong magkita nang personal, sasabihin sa kanya ng multi-awarded Filipino actor: "Pare, pasensiya na, wala akong abs kagaya mo, pero napakaganda ng gawa ninyo."

Bilang Pilipino, gusto ni Dingdong magkaroon ng realization ang mga manonood ng Descendants of the Sun na may mga taong nagsasakripisyo para sa kapakanan ng kanilang kapwa.

"May mga taong nagsasakripisyo ng buhay nila for our safety para mabuhay tayo nang payapa, para mabuhay tayo nang komportable.

"Most of the time, these people are not heard and also not seen.

"These are what we call the unsung heroes.

"And by giving a story like Descendants of the Sun, naha-highlight yung point of view nila using a very beautiful love story.

"Bukod sa kanilang dedikasyon sa bayan at serbisyo, nandoon din ang conflict na, 'Ano yung uunahin ko, yung pangako ko sa bandila o yung pag-ibig?'

"Lahat tayo, pagdadaanan natin yung ganoong klaseng crossroads, e.

Continue reading below ↓

"And siguro, kung makita natin kung paano gawin nitong mga sundalo at doktor na 'to, I’m sure, mai-inspire tayo bilang manonood.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dingdong Dantes on unsung heroes: "Bukod sa kanilang dedikasyon sa bayan at serbisyo, nandoon din ang conflict na, 'Ano yung uunahin ko, yung pangako ko sa bandila o yung pag-ibig?' Lahat tayo, pagdadaanan natin yung ganoong klaseng crossroads, e."
PHOTO/S: GMA Network Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results