Lovely Embuscado, kinupkop na ng Kapuso Foundation

by Jojo Gabinete
Jan 31, 2020
Isang araw matapos maiulat ng PEP.ph ang kalagayan ng dating Protégé finalist na si Lovely Embuscado, sinundo ang singer at ang kanyang ina ng Kapuso Foundation ngayong araw, January 31, upang pansamantalang kupkupin.
PHOTO/S: Jojo Gabinete / GMA-7

Nasa pangangalaga na ng Kapuso Foundation ang dating Protégé finalist na si Lovely Embuscado at ang kanyang pamilya.

Ipinapaabot ni Daisy Embuscado ang taos-pusong pasasalamat niya sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) dahil mula nang ilabas dito ang report kagabi, January 30, tungkol sa malungkot na kalagayan ng kanyang anak na si Lovely at ang paninirahan nila sa isang kalye sa Quezon City, bumuhos na ang mga tulong sa kanila.

Ibinalita ni Daisy sa PEP.ph na nitong hapon ng Biyernes, 3 p.m., January 31, sinundo sila ng mga tauhan ng Kapuso Foundation.

Kasalukuyang nanunuluyan ang mag-ina sa opisina ng socio-civic foundation ng GMA Network, Inc.

Napasigaw sa tuwa ang nanay ni Lovely habang magkausap kami sa telepono dahil sa aming sinabi na pupuntahan sila ngayong gabi ni Krizza Neri.

Si Krizza ang grand winner ng Protégé: The Battle for the Big Break, ang singing competition ng GMA-7 noong September 2011 na sinalihan din ng kanyang anak.

Continue reading below ↓

Nang mabasa ni Krizza ang report ng PEP.ph tungkol sa sitwasyon ni Lovely, hinanap niya ang contact number ng Cabinet Files dahil sa kanyang kagustuhang makatulong.

Kuwento ni Krizza, "As early as 2014 po, hinahanap ko na si Lovely dahil nabalitaan ko nga ang kundisyon niya.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"Pero walang makapagsabi sa akin ng kinaroroonan niya. Ang huling balita ko po, nasa Pampanga siya.

"Hanggang mabasa ko ang report ng PEP.”

Apektadong-apektado si Krizza sa nangyari sa kanyang kaibigan.

Lalong nadagdagan ang kalungkutan ni Krizza nang malaman nito ang nangyari sa condominium unit na binili ng ina ni Lovely noong aktibo pa sa showbiz ang young singer.

Inalok noon ni Krizza na pansamantalang manirahan ang mag-ina sa condominium unit niya dahil walang nakatira.

Pero pinili ng nanay ni Lovely na bumili ng sariling unit.

Sa kasamaang-palad, pinaalis ang mag-ina sa biniling unit dahil hindi ibinabayad ng taong kausap nila ang kanilang monthly payment.

Continue reading below ↓

Ayon kay Krizza, nagkausap na sila ng lahat ng mga contestant ng Protégé Season 1.

Napagkasunduan nilang magkaroon ng benefit show, as soon as possible, para kay Lovely.

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isang araw matapos maiulat ng PEP.ph ang kalagayan ng dating Protégé finalist na si Lovely Embuscado, sinundo ang singer at ang kanyang ina ng Kapuso Foundation ngayong araw, January 31, upang pansamantalang kupkupin.
PHOTO/S: Jojo Gabinete / GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results