Juancho Trivino, napahiga dahil sa sorpresang bachelor's party ng Madrasta cast

by Jojo Gabinete
Feb 1, 2020
Ikinagulat nang husto ni Juancho Trivino ang bachelor's party para sa kanya ng Madrasta cast dahil ang buong akala nito, simple at intimate bonding lang ang imbitasyon sa kanya ni Gladys Reyes.

Sa February 9, 2020 na ang garden wedding nina Juancho Trivino at Joyce Pring.

Kaugnay nito, isang bachelor’s party ang sorpresa sa aktor ng cast at production staff ng Madrasta, ang afternoon drama series ng GMA-7 na pinagbibidahan nina Juancho, Arra San Agustin, Thea Tolentino, at Gladys Reyes.

Ang Estela, ang restaurant/bar sa Cainta, Rizal na pag-aari ng mag-asawang Gladys at Christopher Roxa, ang venue ng surprise bachelor’s party para kay Juancho.

Ipinasara ni Gladys ang Estela para sa exclusive event.

Ikinagulat ito nang husto ni Juancho dahil ang buong akala nito, simple at intimate bonding lang ang imbitasyon sa kanya ni Gladys.

Literal na napahiga si Juancho sa sahig nang bumulaga ang lahat ng mga kasamahan niya sa Madrasta.

Continue reading below ↓
Recommended Videos
Continue reading below ↓

Naging malapit sa isa’t isa ang buong cast at production staff ng Madrasta mula nang magsimula ang taping nila para sa kanilang programa, kaya naisipan nilang bigyan ng bachelor’s party si Juancho, na maligayang-maligaya sa natanggap na sorpresa.

Maliban sa petsa ng pag-iisang dibdib nila ni Joyce, hindi pa sinasabi ni Juancho ang location ng kanilang garden wedding sa February 9.

Nang makausap siya ng Cabinet Files sa set ng Madrasta noong January 15, nagbigay lang si Juancho ng hint na naghahanap sila ni Joyce ng ibang lugar na pagdarausan ng kanilang kasal dahil naapektuhan ng pagsabog ng Taal Volcano noong January 12 ang Tagaytay City.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ikinagulat nang husto ni Juancho Trivino ang bachelor's party para sa kanya ng Madrasta cast dahil ang buong akala nito, simple at intimate bonding lang ang imbitasyon sa kanya ni Gladys Reyes.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results