Awra Briguela, hindi pa handang magka-boyfriend

by Jojo Gabinete
Feb 2, 2020
Awra Briguela on relationship with rumored boyfriend Feng dela Cruz: “Wala po ‘yon, hindi ko po talaga naging dyowa si Feng. Ewan ko, bigla na lang kaming nag-viral and more on TikTok lang po ‘yon. Nung nag-viral na kami and madami na ang nakakaalam, parang nag-lie low na lang kami sa isa’t isa.”
PHOTO/S: Instagram

Ang James & Pat & Dave ng Star Cinema ang fourth movie ng teen actor na si Awra Briguela, at sa murang edad na 15, same-sex relationship ang itinanong sa kanya sa grand presscon ng pelikulang pinagbibidahan nina Ronnie Alonte, Loisa Andalio, at Donny Pangilinan.

Nali-link si Awra kay Feng dela Cruz, aka Raffy Rubia dela Cruz, dahil sa kanilang viral TikTok videos na nagpapakita sa closeness nila sa isa’t isa, kaya binansagan sila na mga young counterparts ni Vice Ganda at ng boyfriend nitong si Ion Perez.

Nang tanungin si Awra sa presscon ng James & Pat & Dave kung boyfriend niya si Feng, “hindi po” ang kanyang maagap na sagot.

“Wala po ‘yon, hindi ko po talaga naging dyowa si Feng. Ewan ko, bigla na lang kaming nag-viral and more on TikTok lang po ‘yon.

“Nung nag-viral na kami and madami na ang nakakaalam, parang nag-lie low na lang kami sa isa’t isa,” ang sabi ni Awra na naniniwalang bata pa siya para magkaroon ng “loveteam.”

Continue reading below ↓

Idinagdag ng young gay actor na kung may makakapaghintay sa kanya, makikipagrelasyon siya sa edad na 18, at mangyayari ito sa year 2022.

Openly gay si Awra mula pagkabata at naging Internet sensation dahil sa mga impersonation niya kina Sarah Geronimo at Sarah Lahbati.

Nabigyan si Awra ng malaking break nang isama siya ni Coco Martin sa cast ng Ang Probinsyano noong 2016, dahil sa kanyang YouTube videos na meron nang 236,000 subscribers sa kasalukuyan.

Sa edad na 15, malaya na si Awra sa pagsusuot ng mga damit at sapatos na pambabae, tulad ng outfit niya sa naganap na presscon ng James & Pat & Dave.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Awra Briguela on relationship with rumored boyfriend Feng dela Cruz: “Wala po ‘yon, hindi ko po talaga naging dyowa si Feng. Ewan ko, bigla na lang kaming nag-viral and more on TikTok lang po ‘yon. Nung nag-viral na kami and madami na ang nakakaalam, parang nag-lie low na lang kami sa isa’t isa.”
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results